Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa
ANG MGA MASASAMANG MAGSASAKA
Katulad ng maraming iba pa, ang talinhagang ito ay pangunahing tungkol sa ating tugon. Tutugon ba tayo sa mga pag-angkin ng Diyos sa ating mga buhay? O tatanggihan ba natin ang Kanyang mga mensahero dahil pabor ito sa ating kalooban, sa ating adyenda? Namumuhay ba tayo nang produktibo, kumikilos upang "mamunga" para sa Diyos bilang tugon sa Kanyang pagpapala sa atin ng pribilehiyong paglingkuran Siya? Pinapaalalahanan tayo ng talinhagang ito ng pribilehiyo ng pamumuhay sa pakikipagtipan sa Diyos, ngunit ang pribilehiyong iyon ay may kaakibat na pananagutan.
Mahalaga ring tanungin kung sa paanong paraan tayong tumutugon sa mga mensahero ng Diyos sa ating mga buhay. Habang maaaring makipagkomunikasyon sa atin ang Diyos sa pamamagitan ng mga anghel, ng mga panaginip, o mga pangitain, sa buong kasaysayan ang Kanyang pangunahing paraan ng komunikasyon ay sa pamamagitan ng mga tao. Paulit-ulit na itinanggi ng bayan ng Diyos ang mga propeta bilang pabor sa kanilang sariling pagkaunawa at mga hangarin, at makakayanan rin nating itanggi ang mga taong nasa paligid natin na nagpapahayag ng katotohanan ng Diyos sa ating mga buhay sa mga kaparehong dahilan. Hindi tinawag ang ating mga kaibigan, pamilya, mga kasama sa simbahan, at mga pinuno ng simbahan upang i-endorso at hikayatin ang anumang pag-uugaling sa tingin natin ay angkop. Hindi, kung tunay nilang mahal si Jesus at mahal nila tayo, kukumprontahin nila tayo at itutuwid upang mas maging katulad natin si Cristo.
Paano ka tumutugon kapag sinusubukan ng Diyos na hikayatin ka o ituwid ka sa pamamagitan ng ibang tao, ng Banal na Espiritu, o ng Kanyang salita? Nagpapakumbaba ka ba at bukas-isip na tumatanggap, maingat na isinasaalang-alang ang kanilang mga salita? O nagmamatigas ka ba at hindi nagpapatinag, na parang bato sa iyong mga pamamaraan?

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!
More
We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/