Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Mga Talinhaga ni JesusHalimbawa

The Parables of Jesus

ARAW 11 NG 36

ANG WALANG BUNGANG PUNO
Makikita natin sa Mateo at Marcos ang magkatulad na kwento ng pagsumpa ni Jesus sa isang punong walang bunga, at isang kaparis ring kwento sa Lucas tungkol sa isang taong nagtanim ng punong hindi nagbubunga nang nararapat. Habang ang tatlong salaysay ay hindi iisang parehong kwento, tumutukoy ang lahat ng mga ito sa isang punong dapat ay namumunga ngunit walang anumang maipakita para rito.

Sa mga salaysay nina Mateo at Marcos, mayroong mga dahon ang puno, ibig sabihin malusog ito kung titingnan, subalit wala itong bunga. Maraming pagkakataon sa Mabuting Balita nakakatagpo tayo ng isang hamon at ekspektasyon na mamunga sa ating mga buhay. Hindi lang tayo inaasahang umiwas na malanta, o magmukhang malusog sa panlabas na anyo, bagkus tunay na mamunga sa ating mga buhay.

Kailangan nating suriin ang ating mga sarili upang makita kung namumunga ba tayo ng isang bagong buhay, ang bunga ng paggawa ng mga alagad, ang bunga ng pag-abot sa mga nawala.
Araw 10Araw 12

Tungkol sa Gabay na ito

The Parables of Jesus

Ihahatid ka ng gabay na ito sa mga talinhaga ni Jesus, tutuklasin ang ibig sabihin ng ilan sa Kanyang pinakadakilang aral para sa iyo! Nagbibigay pahintulot ang maramihang araw ng paghahabol na mapanatiling nakakasunod ang mambabasa sa kasalukuyang araw ng gabay at magkaroon ng oras upang makapagnilay at mahikayat ng pag-ibig at kapangyarihan ni Jesus!

More

We would like to thank Trinity New Life Church for this plan. For more information, please visit: http://www.trinitynewlife.com/