Relationship Kay GodHalimbawa
Close ka ba sa tatay mo?
Naku, pasensya na kung maaaring medyo sensitive ang topic natin today! Pwede bang magtanong, close ka ba sa tatay mo?
Hindi lahat ng tao ay may magandang relationship sa kanilang tatay. May mga tatay na absentee, baka dahil sa trabaho, o hindi lang nila alam paano makipag-relate sa atin during our growing up years natin. Meron namang may hindi magandang experience kung ang tatay ay madaling magalit, sumisigaw, o mabilis ang kamay. Hindi namin nais i-minimize ang mga pains sa ganung experiences.
On the other hand, meron namang ibang lumaki na close sa kanilang mga tatay. Kung isa ka sa mga close sa tatay, ano ba ang isang favorite memory ninyo together?
Anyway… bakit ba namin na-bring up ang posibleng painful topic na ito? Actually, the reason is that, isa sa mga description ng relationship ni God sa atin ay bilang isang Ama. At napakahirap i-imagine ito kung ang relasyon natin sa ating earthly father ay hindi maganda.
Basahin natin ang verse na ito:
Kung paanong ang ama ay naaawa sa kaniyang mga anak, gayon naaawa ang Panginoon sa kanilang nangatatakot sa kaniya. (Mga Awit 103:13 Ang Biblia TLAB)
At alam mo ba, isa sa mga kuwento ni Jesus ay ang tungkol sa naglayas na anak. (Lucas 15:11-32 ASND) Kahit na lahat ng pera ng ama nito ay inubos n'ya na sa mga bisyo, nang naisipan niyang bumalik sa kanyang ama, handang-handa ang ama na tanggapin siya. Hindi lang iyon, tumakbo pa ang ama upang salubungin siya, binigyan siya ng singsing at sandals, mga symbols ng kanyang position sa family. At naghanda pa ito ng isang malaking celebration!
Alam mo ba, bilang isang Ama, ganoon din ang pagmamahal ni God sa iyo?
Isa kang miracle!
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
3-day Reading Plan Patungkol sa Relationship Kay God
More
Nais naming pasalamatan ang Jesus.net - PH sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://ph.jesus.net/a-miracle-every-day