Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?Halimbawa

Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?

ARAW 5 NG 5

Ikalimang araw: Huwag Masiraan ng Loob

Nabubuhay tayo sa isang mundong puno ng uncertainty. Napakaraming kaguluhan at pagbabanta sa iba’t ibang panig ng daigdig. Nababaon na rin tayo sa mga social issues na naghahatid ng karagdagang anxiety kaya halos hindi na natin alam kung saan pa tayo tatakbo upang makaiwas. On the other hand, walang tigil si Satanas sa paggamit ng mga pana niyang nagliliyab. Gusto niyang patayin ang mga alagad ni Jesus. Hindi lamang ito literal na buhay-pisikal kung hindi ang buhay-espiritwal.

Pero hindi nagsasawang ipaalala sa atin ng Diyos ang mga salitang ito: “Hindi kita iiwan ni hindi pababayaan man. Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob…. Huwag kang matakot o mawawalan ng pag-asa sapagkat akong si Yahweh, na iyong Diyos ay kasama mo saan ka man magpunta” (Josue 1:5-6, 9). In short, huwag tayong masiraan ng loob.

Hindi titigil sa kanyang masamang plano si Satanas hanggang hindi niya naririnig ang dumadagundong na tinig ng Panginoon na nagsasabing, “Tumigil ka na!” At sa araw na iyon ay wala ng magagawa pa ang diyablo. Pero habang ang kasamaan ay aaligid-aligid, huwag kalimutang tumakbo sa Panginoon, magtago sa Kanya at hayaang ang Diyos ang humarap sa kalaban!

Basahin: Josue 1:5-6

Pag-isipan: Paano pinalalakas ng Panginoon ang Kanyang mga minamahal? Paano ka pinalalakas ng Panginoon ngayon?

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

Paano Makakaiwas sa Panganib ng Pagkakasala?

Aaligid-aligid man ang ating kalaban, nariyan ang Panginoon na nagbibigay ng lakas upang tayo ay makaiwas sa panganib at kamatayan.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com