Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kabaitan, isang Bunga ng EspirituHalimbawa

Kabaitan, isang Bunga ng Espiritu

ARAW 1 NG 4

Kabaitan laban sa Paghahambing

1 Samuel 18:5-16

Tema ng Talata: Galacia 6:4

Sa linggong ito pag-aaralan natin ang bunga ng espirtu, ang "kabaitan" at makikita natin kung paanong ang paghahambing ay maaaring laban sa kabaitan sa isang malaking paraan. Ang paghahambing ay maaaring masakit para sa lahat ng taong sangkot. Ito ay kung saan tinitingnan natin kung anong regalo mayroon ang ibang tao, kakayahan, oras, o pera at ihahambing ito sa iba o sa ating sarili.

Sa kuwento sa Bibliya sa linggong ito, makikita natin si Haring Saul na naninibugho at sobrang nagagalit kay David. Gayunman, ang interesanteng parte ay ang kaniyang paninibugho ay nagsimula ng paghambingin ng mga tao ang dalawang lalaki. Bago magsimulang magkumpara ang mga tao, si Haring Saul ay walang galit kay David! Sa katunayan, si Haring Saul ay nalulugod na tumutugtog ng alpa si David para sa kanya. Nagpapasalamat din siya na pinatay ni David si Goliath. Lahat ay maayos hanggang sa dumating ang mga kababaihan at kumakanta ng kanta ng paghahambing. Ang hukbo ay pauwi na mula sa labanan laban kay Goliath at mga Filisteo, ng dumating ang mga kababaihan na sumasayaw at umaawit, "Pinatay ni Saul ang libo-libo, at ni David ang laksa-laksa"

Hindi natin masisisi ang mga kababaihan sa poot na nabuo sa puso ni Saul. Si Haring Saul ay responsable sa kanyang sariling aksyon. Gayunman, interesantang tandaan na ang lahat ng ito ay nagsimula ng ang mga kababaihan ay nagsimulang paghambingin ang mga lalaki sa publiko, at ilagay ng mas mataas si David kaysa sa hari. Sa oras na ito, si David ay hindi pa nakapapatay ng mas madami sa hari. Ang napatay lamang ni David ay si Goliath!

Napakadali para sa atin na ihambing ang ating sarili sa iba. Gayunman, hindi ito tama, hindi ito mabuti sa iba, at hinihingi sa atin ng Diyos na huwag itong gawin. Nais ng Diyos na tumingin tayo sa ating sarili lamang, at husgahan ang ating sarili at ikumpara sa kung ano nais ng Diyos sa atin. Ang isang halimbawa na naghahambing tayo sa iba sa publiko ay sa social media, gaya ng Facebook. Nagpo-post tayo ng mga larawan at inihahambing ang ating buhay sa buhay ng iba. Ang mas malala ay kapag gumagawa tayo ng paghahambing sa publiko sa pagitan ng ibang tao, tulad ng mga kababaihan sa ating kuwento sa Bibliya. Tumitingin tayo sa iba't ibang ministeryo, inihahambing ang mga ito, at nagiging sanhi ng galit o pagkabigo sa gitna ng mga ito. O may nagsasabi ng mahusay na kuwento, at kailangan nating maging "mas higit" sa mga ito sa pagsasabi ng mas mahusay na kuwento.

Nakakita na ba kayo ng isang tao na nagdaos ng malaking salu-salo, at pagkatapos ay may isang dapat makapagdaos ng mas mahusay na salu-salo?

Huwag tayong maging malupit sa paghahambing, ngunit hayaan ang mga pagkakaiba at pagkakatulad natin nang walang paninibugho!

Mga Tanong:

1. Kanino mo kadalasang inihahambing ang iyong sarili?

2. Sa anong paraan mo nakikita ang paghahambing sa Facebook o iba pang social media sa iyong mga kaibigan?

3. Ang mga tao ba sa iyong komunidad ay sinusubukang magkaroon ng mas malaki at mas magandang salu-salo?

Aplikasyon sa buhay:

Bigyan ang sarili ng 20 maliliit na bola sa simula ng linggo. Sa bawat oras na mapansin mong iyong inihahambing ang sarili sa iba, mag-alis ng isang bola. Kabilang dito ang facebook o iba pang mga online application kung saan madalas nating ihambing ang sarili natin sa iba.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Kabaitan, isang Bunga ng Espiritu

Paano magtatagumpay ang bunga ng Espiritu laban sa mga kasalanan ng aking laman? Ang apat na araw na planong pagbabasa na ito ay nagpapakita ng mga laban ng KABUTIHAN laban sa pag-kukumpara, panlilinlang, paglayo, at kasamaan. Ginagamit ni Kristi Krauss ang bunga ng Espiritu na matatagpuan sa Galacia 5 bilang gabay upang hikayatin tayo na kumilos at maging mga kampeon ng KABUTIHAN.

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/champions/