Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ituon Ang Iyong Paningin Sa PanginoonHalimbawa

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

ARAW 2 NG 5

Ikalawang Araw: Ang katumbas ng iyong kaligtasan

“Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan,” ang sabi ng isang popular Filipino proverb. Paano kung ang kautusan para sa iyong kaligtasan ay ang huwag lumingon?

Dahil sa labis na kasamaan sa Sodoma, nagpadala ng dalawang anghel ang Panginoon. Inanyayahan ni Lot na tumuloy sila sa kanyang bahay. Pagkatapos ng mga pangyayari noong gabing iyon, sinabi ng mga panauhin kay Lot, “Magmadali ka! Isama mong lahat ang iyong mga anak at iba pang kamag-anak na nakatira sa lunsod na ito. Umalis na kayo rito, sapagkat gugunawin na namin ang lungsod na ito! Pinakinggan ni Yahweh ang mabibigat na sumbong laban sa mga taga-Sodoma at pinapunta kami ni Yahweh upang wasakin ang lungsod na ito” (Genesis 19:12-13).

Kinabukasan, ng nakarating sina Lot sa Zoar ay nagpaulan ng apoy at asupre si Yahweh. “Tinupok ni Yahweh ang mga lungsod [ng Sodoma at Gomorra] at ang buong libis, lahat ng mamamayan doon pati ang mga pananim. Ngunit lumingon ang asawa ni Lot kaya’t ito’y naging isang haliging asin” (vv.23-26).

Bakit gusto mong lumingon gayong iniutos sa iyong huwag itong gawin? Isipin ang hatid na kaligtasan ng Panginoon at mabuhay nang may excitement sa iyong new possibilities!

Pag-isipan Mo: Anong tatlong bagay ang naghahatid ng excitement sa iyo ngayon dahil bahagi sila ng iyong hinaharap?

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Ituon Ang Iyong Paningin Sa Panginoon

Itanong mo sa iyong sarili kung bakit nakakaramdam ka ng kakulangan sa iyong buhay at napupuno ng hinayang.

More

Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com