Ang Mabuhay ng Walang TakotHalimbawa
Day 3 – Kilala ka ba ng Diyos?
“I know you!” ang minsang naririnig sa mga taong maaaring hindi natin kilala o di kaya ay someone we only met in passing some time ago. Pagtanggi o di kaya ay ang fake recognition ang maaaring kasagutan natin.
Sinabi ni Haring David sa Diyos, “Ako’y iyong nakita na, hindi pa man isinisilang, batid mo kung ilang taon ang haba ng aking buhay; pagkat ito’y nakatitik sa aklat mo na talaan, matagal nang balangkas mong ikaw lamang ang may alam” (Salmo 139:16).
“I know you!” ang sabi ng Diyos. Maaaring isagot mo sa Kanya ay, “But I don’t know You!” Sino ba ang loser sa exchange na ito ngayong kilala mo na kung sino ang lumikha sa iyo at alam ng Diyos ang bawat araw mo sa mundong ito?
Narito ang ilang benefits of knowing God--mga bagay na hindi dapat tanggihan:
- Una, Siya ang iyong kaligtasan.
- Ikalawa, iingatan ka Niya.
- Ikatlo, naririnig ng Diyos ang iyong daing.
- Ikaapat, kasama mo ang Diyos sa araw-araw at Siya ang iyong saklolo.
- Ikalima, pararangalan at gagantimpalaan ka Niya sa iyong mabuting gawa.
Pag-isipan ang mga salitang ito tungkol sa iyong kaligtasan at sa pagkakaroon ng relasyon sa Panginoon: “Kung ipahahayag ng iyong labi na si Jesus ay Panginoon at buong puso kang sasampalataya na siya’y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka” (Mga Taga-Roma 10:9).
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
3 Araw na Aral Hango sa Salmo 91
More
Nais naming pasalamatan ang Mula sa Puso sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://luisacollopy.com/