Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Tungkol sa Gabay

Kutamaya Ng Diyos - Mga GawaHalimbawa

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

ARAW 1 NG 10

Hindi nakikitang mundo

Kwentong Biblia - Pumasalangit si Hesus (Mga Gawa 1:1-11)

May hindi na mundong nakapaligid sa atin at ito ay tunayl, kahit hindi natin ito nakikita. Gawa nang ‘di natin makita ang hangin, pero nakikita natin ang paggalaw ng mga puno sa pag-ihip ng hangin sa mga dahon, gayundin sa espirituwal na mundo.

Isa sa mga propeta sa Lumang Tipan, si Elisha, ay nagbibigay sa atin ng dakilang halimbawa sa pagkakita ng ‘di-nakikitang mundo. Mayroong digmaan ang magsisimula sa pagitan ng Aram at Israel. (2 Mga Hari 6:8-23) Isang gabi, ang mga sundalo ng kaaway ay pumalibot sa lungsod, at nang makita sila ng lingkod ni Elisha’s, siya ay sobrangg natakot. Ngunit ang propeta at nagsalita sa kanyang lingkod na huwag matakot dahil mas marami sila kaysa sa mga kalaban. At nanalangin si Elisha para buksan ang mata ng kanyang lingkod, at minasdan nya at nakita ang mga burol na puno ng mga kabayo at karwaheng apoy sa paligid nila! Ang Diyos ay may napakalaking di nakikitang hukbo na nagpoprotekta sa Kanyang propeta!

Ang espiritwal na digmaang ito ay nangyayari sa paligid natin, kahit hindi natin nakikita. Ginagawang malinaw ng Biblia na si Satanas ay umiiral at sumusubok na makuha tayo para isawalang-bahala ang katotohanan ng Espiritwal na kaharian.

Sa kwentong Biblia ngayong araw, mula sa akalat ng Gawa, Si Hesus ay pumasalangit. Paniwalaan niyo ako, ang langit at impyerno at totoo. Dito sa tunay na makasaysayang pangyayari, matapos na pumasalangit ni Hesus, may dalawang nagpakitang anghel sa mga disipulo! Mahirap sa ating isipin ma tinutulungan tayo ng mga anghel o inaatake tayo ng diyablo, ngunit ang mga bagay na ito ay higit na totoo kaysa sa mga bagay na ating nakikita.

Tumalon tayo dito sa pagaaral sa Kutamaya ng Diyos at higit na matutunan ang ‘di-nakikitang mundo.

Nasa digmaan tayo, gusto man natin o hindi. Samakatuwid, suotin natin ang buong Kutamaya ng Diyos habang lumalaban sa kaaway!

"Punipili kong maniwala sa ‘di-nakikitang mundo at kunin ang buong Kutamaya ng Diyos."

Mga Tanong:

1. Ano ang mga ebidensya na nakita mo na nagpapatunay sa ‘di-nakikitang mundo ng mabuti at masama?

2. Nakakita ka na ba ng ibang taong nakagawa ng kamalian at parang hindi napoproteksyunan ng Kutamaya ng Diyos? Maglahad ng ilang kwento.

3. Ano sa tingin mo ang itsura ng espiritwal na digmaan sa paligid natin?

4. Sino ang nangako na si Hesus ay babalik kagaya ng kung paano Siya umalis?

5. Punan ang patlang mula sa Mga Gawa 1:8: Datapwat inyong tatanggapin ang__________________ ________________________. Anong kahulugan nito sa atin ngayon?

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Kutamaya Ng Diyos - Mga Gawa

Ang pagsusuot ng Kutamaya ng Diyos ay hindi isang ritwal ng panalangin na dapat gawin tuwing umaga kundi isang paraan ng pamumuhay na maaari nating simulan habang bata pa. Ang plano sa pagbasa na ito na isinulat ni Krist...

More

Nais naming pasalamatan ang Equip & Grow sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://www.childrenareimportant.com/filipino/armor/

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya