Lahat ng Napapagod: Kasama Ko ang DiyosHalimbawa
Kasama Ko ang Diyos
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.Pasanin ninyo ang aking pamatok at sundin ninyo ang aking mga itinuturo sapagkat ako'y maamo at mapagkumbabang loob. Matatagpuan ninyo sa akin ang kapahingahan sapagkat madaling dalhin ang aking pamatok at magaan ang pasaning ibinibigay ko sa inyo.” - Mateo 11: 28:30
Kapag nararamdaman natin na tayo ay nakalimutan na o tila nag-iisa, ito na ang pinakamasamang pakiramdam. Masama na nga ang pakikibaka sa pagkabalisa, ngunit ang mag-isip kung talaga bang may nakakakita sa kung ano talaga tayo o kung may handa bang humakbang sa pagdurusang ito at hawakan ang ating kamay, na nagdaragdag ng isa pang antas ng kabigatan.
Ang takot na maiwang mag-isa sa gitna ng ating mga pag-iisip, panginginig ng katawan, at espirituwal na mga katanungan ay nagdadala sa ating tumingin sa paligid para sa Diyos kapag ang lahat ay hindi maganda. Nasaan Siya kapag tayo ay napipilayan dahil sa takot at halos hindi na makayanan ang maghapon? Kapag ang ating isip ay paikot-ikot sa parehong mapanghimasok na pag-iisip o pag-aalala? Kapag iniisip natin kung ang nakakabagabag na paraan ng pamumuhay na ito ay nagiging ating bagong normal?
Hinahangad natin ang katiyakan na nakikita tayo ng Diyos na nasa gitna ng ating mga paghihirap at ang malaman na naririnig ang ating mga paghingi ng tulong.
At ang Panginoon, dahil Siya ay Siya, ay nangangako na makakasama natin. Kahit tila malayo Siya, hindi nalalayo ang Kanyang mga mata sa kinaroroonan natin, at palagi Siyang nasa likod ng mga eksena.
Tandaan: Kasama ko ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ito ang unang linggo sa isang pitong linggong serye na gagabay sa iyo sa mga pakikibaka ng pagkabalisa habang pinanghahawakan ang katotohanan sa Biblia at ang mga pangako ng Diyos. Ang walong araw na planong ito ay nagbibigay ng panghihikayat at praktikal na aplikasyon upang iayon ang iyong puso at isipan sa pag-ibig ni Jesus sa gitna ng pagkabalisa. Pangako sa linggong ito: Kasama ko ang Diyos.
More