Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang PanataHalimbawa

The Vow

ARAW 1 NG 6

Ang Panata ng Paghahanda

Sa susunod na anim na araw, makakarinig ka sa anim na mag-asawa, silang mga gumawa ng panata para sa kanilang kasal—ngunit hindi lamang mga pamantayang panata sa kasal. Itong mga panata sa paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pagkikipagtulungan, pagkadalisay at panalangin ay ang mga panatang nakapagpapahaba sa pagsasama pagkatapos ng kasal. 

Si Tyler at si Beth ay hindi handang magkatagpo sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mensahe sa telepono, ngunit sila'y handa na para sa isang pagsasama. Nang sa wakas ay nagkita na sila nang harapan, ang mga sumunod ay makasaysayan na! 

Beth:

Kapag ang dalawang puso'y nagsama, isa itong magandang bagay—ngunit hindi lahat ng ito ay maganda. Ang malusog na relasyon ay nangangailangan ng katapatan, kahit pa ang tungkol sa mga dalahin. Ang dalahin ko ay parang mga emosyonal na sugat ng nakaraang pagsasama. Ang tiwala ko ay nawasak at ang mga takot ko ay namayagpag na parang mga sisidlang puno ng hangin. Gayunpaman, sa Isaias 43:19, sinabi ng Diyos sa Kanyang bayan na huwag manahan sa nakaraan bagkus kilalaning Siya ay gumagawa ng bago. Naramdamang ko na mayroon ding inihandang bago para sa akin ang Diyos. Kaya naman, pinagpasyahan kong sadyain ang paghahanda. 

Nanalangin ako. Hindi ako huminto sa pagbabasa ng Salita ng Diyos. Nakinig ako sa mga maalam kong kaibigan. Dumulog ako sa isang tagapayo. Pinag-aralan ko ang mga librong tungkol sa paghilom. At buong tiyaga akong naghintay sa tamang oras ng Panginoon.

Sa pamamagitan ng lahat ng iyon, ginamit ng Diyos ang mga negatibong karanasan ko at ang paghilom ko para hubugin ako. Matapos nga, nang matagpuan ng puso ko ang kay Tyler, sadyang naging angkop ito. Gustung-gusto ko kung paano Niya gawin iyon. Ngayon, tuwing ang dating mga takot ay nagtatangkang gumapang pabalik, may tiwala ako para pag-usapan ang mga iyon at lakas para ang mga iyon ay malabanan ko. 

Tyler:

Noon pa man na ako ay binata ay patuloy na akong nananalangin para sa aking asawa sa hinaharap. Sa paglipas ng panahon, pakiramdam ko ay binigyan ako ng Diyos ng mga salitang dapat kong pagtuunan: “layunin,” “pasensya,” at “walang-maliw.”

Nang makilala ko si Beth, alam ko na kaagad na siya na ang ipinanalangin ko noon. Palagi siyang tapat sa kung ano ang kanyang nararamdaman at kung ano ang kanyang pinagdaanan na nakatulong din sa akin para maging tapat sa sarili kong mga hapdi ng nakaraan. Walang maliw naming ipinapaalala sa isa't-isa ang katotohanan na nahanap namin sa Mga Awit 147:3 na nilulunasan ng Diyos ang mga wasak na puso. Sa aming pagtitipan, ipinamuhay namin ang tatlong salitang ibinigay ng Diyos sa akin. Minahal namin ang isa't-isa nang may layunin, pasensya, at walang-maliw.

Hindi kapani-paniwala ang isalaysay muli kung paano kami inihanda ng Diyos hindi lamang para sa pagsasama, kundi para na rin sa isa't-isa. At oo, nakuha ko ang babae na ipinanalangin ko, ngunit patuloy pa rin akong nananalangin sapagkat ang paghahanda ay hindi natatapos sa altar. Dasal ko sa Diyos na patuloy kaming ihanda at likhain kaming muli para sa mga bagong bagay na ginagawa Niya. 

Panuorin ang mga mensahe ng Ang Panata.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

The Vow

Sa Gabay sa Bibliang ito ng Life.Church, anim na pares ng mag-asawa ang sumulat tungkol sa anim na panata sa kasal na hindi nila opisyal na sinabi nang sila ay nasa altar. Ang mga panatang ito ng paghahanda, prayoridad, pagtataguyod, pakikipagtulungan, pagkadalisay, at panalangin ay ang mga panatang kailangan upang magpatuloy ang pagiging mag-asawa kahit matagal nang tapos ang kasalan. Ikaw man ay kasal na o pinag-iisipan ito, panahon na upang gawin ang panata.  

More

Nais naming pasalamatan ang Life.Church sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://www.life.church/