Ang Magandang Balita ng PaskoHalimbawa

Ang Unang Pasko
Sa panahon ngayon, ang Pasko ay inilalarawan bilang panahon ng bigayan ng mga regalo, muling pagsasama-sama, at mga pagdiriwang. Ngunit noong unang gabi ng Pasko, ang pagsilang ng pinakahihintay na Tagapagligtas ng Israel ay panahon ng kaguluhan, kahirapan, at tila walang katapusang paghihintay. Ang unang Pasko, ang kapanganakan ni Hesus, ay hindi inaasahan at isang normal na araw lamang para sa nakararami.
Dumating si Hesus sa isang mundong hindi Siya tinanggap at pinaghandaan. Gayunpaman, naparito Siya para sa sangkatauhan—ang katuparan ng ipinangakong Manunubos ng Diyos upang ibalik tayo sa Kanyang orihinal na disenyo’t plano.
Sa susunod na tatlong araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos—si Hesukristo—at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalaga’t pinakamagandang regalong matatanggap nating lahat.
Pagnilay-nilayan:
- Bakit mahalaga para sa iyo ang Pasko?
- Maglista ng pangalan ng limang taong nais mong bigyan ng regalo ngayong Pasko. Bakit mo sila nais regaluhan?
- Ipagdasal ang limang taong ito at hingin ang gabay ng Diyos upang maibahagi mo sa kanila ang Magandang Balitang na kay Hesus ngayong Pasko.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Sa susunod na limang araw, pag-aaralan natin ang regalo ng Diyos na na kay Hesukristo at ihahanda natin ang ating mga sarili para maging instrumento ng Diyos upang ipahayag at ibahagi sa iba ang pinakamahalagang regalong matatanggap nating lahat.
More
Nais naming pasalamatan ang Victory Ortigas sa pagbibigay ng planong ito. Para sa higit pang impormasyon, pakibisita ang: https://church.victory.org.ph/ortigas
Mga Kaugnay na Gabay

Pandaigdigang Araw ng Panalangin para sa mga Mag-aaral sa Kolehiyo: 40-Araw na Gabay sa Panalangin

Nilikha Tayo in His Image

BibleProject | Maikling Kurso tungkol kay Apostol Pablo

BibleProject | Bagong Kasunduan, Bagong Karunungan

Sa Paghihirap…

BibleProject | Mga Sulat ni Pablo

BibleProject | Mga Sulat ni Juan

BibleProject | Walang-Hanggang Pag-ibig ng Diyos

Mag One-on-One with God
