Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Nabagong Pamumuhay: Sa Pag-aasawaHalimbawa

Living Changed: In Marriage

ARAW 1 NG 5

Ang Tatsulok

Ang pag-aasawa ay isang napakagandang dinisenyong regalo mula sa Diyos. Ito ang pinakamalapit na halimbawang mayroon tayo dito sa Mundo ng pag-ibig ng Diyos para sa atin. Kapag minamahal natin ang asawa natin ayon sa layunin ng Diyos, ang pag-aasawa ay di-makasarili, mapagbigay, mahabagin, at tapat.

Ang pag-aasawa ay higit pa sa isang dokumentong isinampa sa korte o mga pangakong ginawa sa harap ng mga mahal sa buhay. Ito'y isang pakikipagtipan. Ito ay isang matibay na kasunduan na ginawa ng asawang lalaki at asawang babae, at ng Diyos. Ito ay isang pangako sa pagitan ng tatlo, at kapag ginagawa nating bahagi ng ating pagsasama ang Diyos, mas nagiging mabuti ang ating pagmamahal sa isa't isa.

Isipin ang isang tatsulok kung saan ang nasa tuktok ay ang Diyos at ang asawang lalaki at asawang babae ang kumakatawan sa dalawang dulo. Habang lumalapit ang lalaki at babae sa Diyos, nagiging mas malapit din sila sa bawat isa. Sa ganitong paraan din, habang mas nagiging tapat sila sa Diyos, mas nagiging tapat sila sa isa't isa. Habang mas minamahal nila ang Diyos, mas nagkakaroon din ng pagmamahal sa kanilang pagsasama.

Kung ang susi sa isang matibay na pag-aasawa ay ang matibay na relasyon sa Diyos, sa ganoon ang pinakamagandang bagay na magagawa natin para mahalin ang ating asawa ay ang gumugol ng sinadyang panahon upang mas maging kawangis ni Jesus. Sa kabila ng gusto ng mga romantiko komedyang pelikula na paniwalaan natin, walang taong makakabuo sa atin. Tanging ang Diyos lang ang makakagawa nito.

Sina Dr. Les at Leslie Parrott, ang mga may-akda ng Saving Your Marriage Before It Starts, ay ganito ang sinasabi: "Kung sinusubukan mong makahanap ng malapit na kaugnayan sa isang tao bago ka magkaroon ng damdamin ng pagiging buo sa iyong sarili, ang lahat ng iyong mga relasyon ay magiging mga pagsubok na buuin ang iyong sarili."

Kung gusto mo ng isang matatag na buhay may-asawa, tumutok sa pagpapabuti ng iyong sarili. Pagsumikapan ang pagpapatawad at pagpapagaling, upang ang mga kirot sa nakaraan ay hindi makaapekto sa iyong relasyon sa kasalukuyan. Pag-aralang labanan ang mga kasinungalingan ng kaaway, at bihagin mo ang iyong mga kaisipan upang makapamuhay ka araw-araw nang may pananalig kay Cristo. Paniwalaang nilikha ng Diyos ang bawat bahagi mo nang may layunin upang magawa mo ang bagay na nilalayon Niya para sa iyo. Huwag tumuon sa pag-aayos sa iyong asawa dahil ang pagbabago sa iyo ang siyang magbabago sa inyong pagsasama.

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Living Changed: In Marriage

Walang perpektong pagsasama dahil ang pag-aasawa ay pagsasama ng dalawang di-perpektong tao. Ngunit sa tulong ng Diyos, maaaring magkaroon ng magandang buhay may-asawa–hindi sa pamamagitan ng paghiling sa Kanya na ayusin ang iyong asawa, kundi sa pamamagitan ng paghiling sa Kanya na kumilos sa Iyong puso. Ang 5-araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo upang matagpuan ang kagalingan, kapayapaan, at pagtitiwala kay Cristo para mahalin mong mabuti ang iyong asawa at mabago ang inyong pagsasama.

More

Nais naming pasalamatan ang Changed Women's Ministries sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, maaaring bisitahin ang: http://www.changedokc.com