Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buhay Kay KristoHalimbawa

Ang Buhay Kay Kristo

ARAW 1 NG 4

MAMUHAY NA MAY KUNSIDERASYON

Maging masigasig ka man ngunit walang nalalaman, wala rin itong kabuluhan. Kapag ikaw naman ay pabigla-bigla madali kang magkakasala. (Kawikaan 19:2)

Ang ating pang-araw-araw na buhay ay puno ng mga pagpapasiya. Nagsisimula ito sa isang napakasimpleng pagpili, halimbawa, kung gusto ba natin ng tahimik o hindi, kung gusto ba nating maligo o hindi, kung tayo ba ay mag-aalmusal o hindi, kung anong damit ang ating isusuot, kung anong pagkain ang ating kakainin, sa mga pagpapasiya tungkol sa kinabukasan ng ating buhay, tulad ng kung ipagpapatuloy ba natin o hindi ang ating masasamang gawi, iiwan ba natin o hindi ang isang ministeryo, kung sino ang ating pakakasalan, atbp. Kailangan nating pag-isipang mabuti ang mga pagpiling iyon upang tayo ay huwag makagawa ng maling desisyon.

Ang pulang lobo ay isang hayop na halos may kaparehong kakayahan ng tao. Ang pulang lobo ay may talino at matalas na kilos upang piliin ang tamang target. Ito ay bihirang mabigong kunin ang kanyang pinupuntiryang target. Bago ito gumawa ng isang bagay, ang lobo ay gagawa ng isang tumpak na pagkalkula upang matukoy kung maaari nitong harapin ang target sa isang pag-atake o kailangan ng tulong mula sa iba pang mga lobo.

Paano naman tayo? Minsan hindi natin napag-iisipang mabuti ang ating mga pagpipilian. Mayroon ding mga pagpipilian na ginagawa natin nang walang paunang pagsasaalang-alang. Bilang resulta, pinagsisisihan natin ang paggawa ng desisyong iyon. Sa panibagong sigasig, pag-aralan natin ang katangian ni Kristo nang may pagsasaalang-alang upang tayo ay maging katulad ni Kristo.

Pagninilay:

1. Ikaw ba ay tulad ng pulang lobo na marunong pumili ng tamang target at bihirang mabigong makuha ito? O ikaw ay kabaligtaran?

2. Gaano mo kadalas isinasaalang-alang ang bawat pagpili o desisyon na iyong gagawin? Humihingi ka ba ng payo mula sa iba, o gumagawa ka ba ng sarili mong desisyon?

Aplikasyon:

Matuto tayong kilalanin at iwasan ang mga salita, kilos, at ugali na humahantong sa hindi inaasahang kahihinatnan.

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Buhay Kay Kristo

Ang debosyonal na ito ay tutulong sa atin na maunawaan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng buhay kay Kristo na tutulong at gagabay sa ating buhay.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/