Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Mga Alaala ng Pasko ni Corrie Ten Boom Halimbawa

Corrie Ten Boom’s Christmas Memories

ARAW 2 NG 3

Pasko bago ang Mga Taon ng Digmaan

“Pinasigla mo ang kanilang pagdiriwang, dinagdagan mo ang kanilang tuwa. Nagagalak sila na parang panahon ng anihan, at parang mga taong naghahati-hati sa nasamsam na kayamanan.” - Isaias 9:3  

Ang Disyembre ay palaging isang napaka-abalang buwan para kina Betsie at Corrie ten Boom. Magkasama silang nagtatrabaho tulad ng isang tunay na koponan at madalas na kailangang magsalita sa halos sampung iba't ibang pagdiriwang ng Pasko. Sa tuwing sila ay inaanyayahan at nagkaroon ng pagkakataon, nagsasalita sila sa mga youth club, Sunday school, ospital, grupo ng militar, at simbahan.

Palagi nilang ikinukuwento ang kasaysayan ng Pasko mula sa Lucas 2 at isang Kuwento ng Pasko na tinatawag na "Father Martin" na kilala rin bilang kuwento ng "Papa Panov". Sa unang selebrasyon ay ibinabahagi ni Corrie ang Lucas 2 at si Betsie naman ay ang kuwento ni Padre Martin at sa susunod na pagpapalitan nila ay magsasalita si Betsie tungkol sa Lucas 2 at si Corrie naman ang magbabagi ng tungkol kay Padre Martin. Nakakatanggap ng kahel ang bawat dumadalong bata. Hangga't maaari ay namimigay din sila ng isang Christian booklet at isang bookmark o isang maliit na poster na may nakalagay na talata sa Biblia, na pinalamutian ng magagandang bulaklak at mga ibon. At siyempre, bilang isang magandang lumang tradisyon ng Dutch, mayroong gatas na tsokolate para sa bawat bisita.

Ang Disyembre ay isa ring napaka-abalang buwan para sa tindahan ng mga gumagawa ng relo. At madalas ay pagod na pagod si Corrie pagkatapos ng isang buong araw na pagtatrabaho. Minsan ay pumunta siya sa isa sa mga kapistahan ng  Pasko, na nagbibilang sa sarili: "Ito ang ika-apat, lima pa ang pupuntahan, at pagkatapos ay matatapos na ang Pasko!" Bigla niyang napagtanto na ito ay isang maling saloobin at nanalangin: "Panginoon, bigyan Mo ako ng himala na hindi ako mapapagod ngunit magsaya sa bawat pagdiriwang ng Pasko, kahit na ito ay ika-sampu. Dahil napakaraming tao ang lumalakad sa kadiliman at dapat tumanggap ng kagalakan at liwanag at maranasan ang malaking kagalakan ng Iyong pagdating sa mundong ito upang iligtas kami. Kaya't ibibigay Mo ba sa amin ang iyong kagalakan sa bawat pagdiriwang upang maipasa namin ang kagalakang ito sa iba?”

Ang Diyos sa Kanyang kasapatan ay sumagot sa panalanging iyon, at sa lahat ng mga taong iyon, sina Betsie at Corrie ay ibinahagi nang may malaking kagalakan ang himala na ang Diyos ay naging tao upang ipagkasundo ang isang nawawalang tao sa Kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus para sa kanilang mga kasalanan.

Tanong

Nakikilala mo ba na ang kaabalahan sa pag-aayos ng iyong Pasko ay maaaring mag-alis ng tunay na saya?

Panalangin

Mahal na Panginoong Jesus, Ikaw ang Siyang magbibigay ng matinding kagalakan sa amin gaya ng nasusulat sa Isaias 9:3. Kailangan namin ang kagalakang iyon at gusto naming ipagdiwang ang Iyong pagdating sa mundo at huwag maging abala na parang gusto na lang naming matapos ang mga pagdiriwang ng Pasko sa halip na magalak sa Kung Sino Ka at kung bakit Ka dumating. 


Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Corrie Ten Boom’s Christmas Memories

Sa Gabay na ito sa pagbasa, titingnan natin ang Isaias 9 at malalaman ang tungkol sa mga Pasko na ipinagdiriwang ni Corrie ten Boom noong kanyang pagkabata; bago ang panahon ng digmaan at sa kampong piitan Ravensbrück 1944. Sinulat ni Corrie ang tungkol sa mga Paskong ito sa 'Corrie's Christmas Memories' (1976).

More

Nais naming pasalamatan ang Stichting Corrie ten Boomhuis sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, pakibisita ang: https://www.corrietenboom.com/en/home