Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pagpapatuloy Sa PananampalatayaHalimbawa

Pagpapatuloy Sa Pananampalataya

ARAW 4 NG 5

ANG KALASAG NG PANANAMPALATAYA

Mga Taga-Efeso 6: 10-24


Ang paglalakbay sa buhay-Kristiyano ay espirituwal na pakikidigma. Tulad ng isang sundalo na papasok sa isang digmaan, lahat tayo ay kailangang nakasuot ng baluti. Tulad ng pisikal na pakikidigma, ang espirituwal na pakikidigma ay nangangailangan din ng espirituwal na paghahanda at kagamitan. Dahil sa katotohanang ito, ang salita ng Diyos ay nag-anyaya sa ating lahat na maging matatag sa lakas ng Kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsusuot natin ng buong baluti ng Diyos (Efe. 6: 10-17).

Ang isa sa mga sandatang espiritwal na karapat-dapat nating isuot ay ang kalasag ng pananampalataya. Ang kalasag ng pananampalataya ay ginagamit bilang sandata laban sa maaalab na mga pana ng kasamaan. Maaari tayong magkaroon ng higit na pag-unawa tungkol sa sandatang ito sa pamamagitan ng pagtingin sa aktwal na paggamit ng kalasag ng isang sundalo

Ang salitang 'kalasag' ay nagmula sa salitang Griyego na 'Thureos'. Mayroong 2 uri ng mga kalasag: ang malaking kalasag at ang maliit na kalasag. Ang malaking hugis-parihaba na kalasag ay ginagamit para sa malalaking digmaan. Ang maliit na kalasag ay ginagamit sa mga hindi kalakihang labanan o para sa pagbabantay sa mapayapang mga sitwasyon. Ang kalasag ay binubuo ng dalawang patong ng kahoy na magkasamang nakadikit. Ginagamit ang kalasag upang maiiwas sa anumang matalim at maapoy na mga palaso mula sa kalaban. Bago ituon ang maalab na palaso sa kaaway, ang palaso ay unang isawsaw sa mainit na aspalto. Pagkatapos ay sinisilaban ito ng apoy at ididerekta sa kalaban gamit ang isang pana.

Ito rin ang tungkulin ng ating pananampalataya sa Panginoong Jesus. Kailangan nating magkaroon ng matibay na pananampalataya sa Panginoong Jesus. Ang ating pananampalataya ay magiging kapaki-pakinabang para maiwasan ang pag-atake ng diyablo sa ating mga kalooban tulad ng pag-atake ng pagkabalisa at kabigatan. Kailangan din nating itaguyod ang ating pananampalataya ng tuloy-tuloy upang maiwasan ang lahat ng maalab na mga palaso mula kaaway gaya ng mga maling katuruan.


Debosyonal ngayon

1. Malakas ba ang ating pananampalataya upang harapin ang maalab na mga palaso ng diyablo?

2. Ano ang kailangan nating gawin upang mapalakas ang ating kalasag ng pananampalataya?


Mga dapat gawin ngayon

Ang ating pananampalataya ay kailangang lumakas. Ngayon, gumawa ng mga aksyon na magpapalakas sa iyong pananampalataya.


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Pagpapatuloy Sa Pananampalataya

Sa gitna ng buhay na walang katiyakan, matututuhan nating panghawakan ang ating pananampalataya kay JesuCristo. Maraming mga hadlang at hamon, subalit nakatitiyak tayo na makakapagpatuloy sa ating pananampalataya dahil kasama natin si Jesus. Ang debosyonal na ito ay magpapatibay sa ating pananampalataya sa Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg/