Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Paglago Sa PananampalatayaHalimbawa

Ang Paglago Sa Pananampalataya

ARAW 4 NG 5

ANG PEKENG PANANAMPALATAYA 

Santiago 2: 14-26

Sa isang pelikula sa telebisyon, naaresto ang isang doktor dahil nagbigay siya ng isang placebo na gamot sa kanyang pasyente. Ang mga placebos ay pekeng gamot - mukhang tunay na gamot ngunit walang ganap na kakayahang mapagaling ang sakit. Ginagamit ang mga placebo sa mga medical testing upang matukoy ang epekto ng mga bagong paggagamot. Susuriin ng mga imbestigador ang kaibhan sa pagitan ng orihinal at pekeng gamot - ang "placebo".

Napakalungkot isipin na may mga tao na mayroong pekeng pananampalataya. Inaangkin nila na ang kanilang pananampalataya ay totoo, ngunit ang kanilang "pananampalataya" ay hindi bumago ng kanilang buhay. Si Santiago ay nagsalita tungkol sa ganitong uri ng pananampalataya. Hindi ito ang pananampalatayang itinuro ng Bagong Tipan. Ito ay isang maling pananampalataya - isang placebo. Niloloko tayo ng placebo sa pag-iisip na maayos at malusog ang ating pakiramdam. Gayunpaman, ang pagbabagong iyon ay nangyayari lamang sa ating isipan. Kahit na iniisip nating maayos ang ating kalagayan, ito ay pansamantala lamang at sa katagalan ay papatayin tayo nito. Para sa isang taong may impeksyon na nangangailangan ng antibiotics, ang paggamit ng isang placebo ay magbibigay lamang sa kanya ng pansamantalang kaginhawaan – magkakaroon pa rin siya at manganganib ang kanyang buhay.

Ang bawat isa sa atin ay naimpeksyon sa espiritu dahil sa kasalanan. Ipinanganak tayo sa kasalanan at pinili nating magkasala. Sa kawalan ng kagalingang espiritwal, mamamatay tayo sa espiritwal magpakailanman. Iisa lamang ang gamot sa kasalanan ng ating kaluluwa. Ang gamot ay ang ating pananampalataya sa Panginoong Jesucristo na namatay para sa atin. Wala nang ibang gamot. Ang paniniwala sa isang spiritwal na placebo ay hindi magbubunga ng pagbabago sa buhay. Maaari din itong magdala sa atin sa kamatayan. Ang isang tao ay maaaring makaramdam ng kagalingan, ngunit ang kanyang buhay ay magtatapos pa rin sa kamatayan. Ito ang pinaka-trahedya at nakamamatay na panlilinlang.

Ang tunay na pananampalataya ay magdadala ng pagbabago sa buhay. Unti – unti tayong babaguhin na maging katulad Niya. Bagaman hindi tayo magiging perpekto hanggang sa makita natin Siya nang harapan, ang imahe ni Cristo ay dapat na magliwanag sa ating nabagong buhay.


Debosyonal ngayon

1. Nagdala ba ng pagbabago sa ating buhay ang ating pananampalataya?

2. Maaari ba tayong mailigtas ng ating pananampalataya ngayon?


Mga Dapat Gawin Ngayon

Tiyaking mayroon tayong tunay na pananampalataya sa Panginoong Jesucristo.


Banal na Kasulatan

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Paglago Sa Pananampalataya

Katulad ng isang puno na lumalago at namumunga, ganoon din ang ating pananampalataya sa Diyos. Kailangang patuloy na lumago at mamunga ng Banal na Espirito ang ating pananampalataya. Sa pamamagitan ng debosyonal na ito, matututunan natin kung paanong palaguin ang ating pananampalataya sa lahat ng sitwasyon ng buhay na mayroon tayo.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg