Pananampalataya at PagtitiyagaHalimbawa
ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA
Ang salita para sa pagbitiw sa tungkulin ay "hupestello" na magkasingkahulugan sa pag-atras. Si Abraham ay isang halimbawa ng isang tao na hindi tumalikod sa kanyang pananampalataya sa kabila ng mga hamon. Ang mga sunod-sunod na pagsubok ay dapat na maipasa. Kailangang hintayin ni Abraham ang pagsilang ng kanyang anak kahit lumipas na si Sarah sa edad ng panganganak at siya mismo ay matanda na. Kailangan din niyang ihandog ang kanyang nag-iisang anak na lalaki bilang isang handog na sinusunog. Hanggang sa oras ng kanyang kamatayan, hind rin nasilayan ni Abraham ang lupang pangako. Nakita lamang niya ito mula sa malayo, subalit hindi niya nais na bumalik sa Ur ng mga Caldeo (Mga Hebreo 11: 13-16). Hindi lamang naranasan ni Abraham ang pagsubok ng pananampalataya nang isang beses – nang kailangan niyang isakripisyo ang kanyang anak. Ang pagsubok ay tumagal ng kanyang buong buhay ngunit pinatunayan ni Abraham na siya ay matapat.
Ang katapatan ni Abraham ay isang tunay na katapatan na nakabatay sa pananampalataya. Ang totoong katapatan ay hindi mag uudyok ng mga pisikal na pagpapala. Ngayon, maraming tao ang nag-iisip na karapat-dapat sila sa mga pagpapala ng Diyos sapagkat sila ay tapat sa Kanya. Nabibigo at nagagalit sila kapag hindi sila pinagpala ng Diyos kapalit ng kanilang katapatan. Magbibitiw sila sa tungkulin at hihinto sa pagiging matapat sapagkat ang biyaya ng katapatan ang motibo ng kanilang pagsunod sa Panginoon. Nakalulungkot talaga.
Ang Diyos ay hindi maaaring suhulan ng ating katapatan. Lahat ng nangyayari sa ating buhay araw-araw ay ginagamit ng Diyos upang mabuo at masubukan ang ating katapatan sa Kanya. Ang proseso ng pagbuo at pagsubok ay magpapatuloy hanggang sa tawaging tayong pauwi ng Panginoon. Madali para sa Kanya na pagpalain tayo. Gayunpaman, higit na nagmamalasakit Siya sa kung paano tayo maaaring lumago sa ating katapatan sa Kanya.
Samakatuwid, huwag umatras kapag naging mahirap ang buhay. Huwag umalis sa landas ng buhay kasama ng Diyos - gaano man kahirap ito. Huwag tayong umasa na ang mortal na mundong ito ay bubuti. Mawawala ang mundo – at kapag nangyari iyon, ang bibilangin ng Diyos ay ang ating katapatan sa Kanya.
Debosyonal ngayon
1. Ano ang naguudyok sa ating katapatan sa Panginoon?
2. Paano tayo mananatiling matapat sa Diyos sa gitna ng mga hindi kanais-nais na kalagayan?
Aksyon ngayon
Matuto tayong maging matapat kapag ang kalagayan ay di mabuti.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang katapatan at pagtitiyaga ay napakahalaga sa buhay espiritwal. Nais ng Diyos na tayo ay maging matapat sa kapwa maliliit at malalaking bagay. Nais din ng Diyos na mamuhay tayo nang matiyaga upang mas maging ganap tayo sa harap Niya.
More
Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg