Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Priority ng PamilyaHalimbawa

Ang Priority ng Pamilya

ARAW 1 NG 4

DALAWANG MAHALAGA SALITA

Si Kay Warren, isang manunulat at asawa ni Rick Warren ay nagsabing "Sa pagiging magulang, dapat nating pilitin ang mga bata na sundin ang dalawang salita: 'Halika' at 'Hindi'." Kailangang matuto ang mga bata na tumugon sa pamamagitan ng pagpunta sa amin kapag tinawag sila at tanggapin ang "Hindi" bilang isang sagot kapag ayaw naming ibigay sa kanila ang gusto nila. Sa paglaon, matutunan nilang sundin ang Diyos kapag ang Diyos ay gumagamit ng parehong mga salita para sa kanila.

Paano tayo tutugon kapag naririnig natin ang Diyos na nagsasabing "Halika" o "Hindi"? Sa talata sa itaas, sinabi sa atin ng Diyos na "Halika sa Akin, lahat kayong napapagal at nabibigatan, at bibigyan kita ng pahinga." Gayunpaman, kahit pagod na tayo dahil kailangan nating magdala ng mabibigat na pasanin, sinasabi pa rin natin na wala tayong oras upang lumapit sa Diyos. Abala tayo sa gawain na ganito at ganoon at hindi natin namamalayan na mas bumibigat ang ating mga pasanin. Tinitiis natin ang lahat sa sariling lakas at sinasabing, "Hindi" kapag inaanyayahan tayo ng Diyos na lumapit sa Kanya.

Sa kabilang banda, kung sinabi ng Diyos na "Hindi" sa atin sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, maaaring ang hinihiling natin ay hindi magandang bagay para sa atin. Gayunpaman, madalas nating sadyang nilalabag ito. Madalas nating isipin ito bilang isang hindi nasasagot na panalangin at umaasa sa kasagutan dito. Iniisip din natin na walang pakialam sa atin ang Diyos. Kapag pinagbawalan tayo ng Diyos na gumawa ng isang bagay, ito ay dahil nais Niya ang pinakamabuti para sa atin. Kapag inaanyayahan niya tayo, ginagawa din Niya iyon upang makamit natin ang pinakamabuti para sa atin.

Samakatuwid, makinig sa tinig ng Diyos at huwag patigasin ang iyong puso. Naiintindihan Niya ang ating sitwasyon at alam kung ano ang ating kailangan. Inilalarawan ng ating pagsunod kung gaano natin siya kinikilala.

Debosyonal ngayon

1. Ano ang tugon na madalas nating ibinibigay sa mga pagtawag o utos ng Diyos?

2. Noong bata pa tayo, gaano kahirap sumunod sa ating mga magulang? Ngayon na lumaki tayo, gaano kahirap sumunod sa Panginoon? Bakit?

Mga kilos ngayon

Tulad ng mga magulang na nais ang kanilang mga anak na sundin sila, nais din ng ating Ama sa langit na sundin natin Siya. Sundin ito kung kalooban ng Diyos.


Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Ang Priority ng Pamilya

Ano ang mga prioridad sa ating buhay? Ito ba ay pamilya, trabaho, o iba pa? Ang gabay na ito ay makakatulong sa atin na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa sa mga priyoridad sa pamilya na dapat nating unahin.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg