Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Araw ng mga PusoHalimbawa

Valentine's Day

ARAW 2 NG 3

WALANG-KONDISYON 

“….‭‬‬sa simula pa'y inibig ko na sila kaya patuloy akong magiging tapat sa kanila.” 

- Jeremias 31:3 RTPV05

Ngayon, at araw-araw, ikaw ay minamahal ng isang Ama sa Langit na ang pag-ibig ay walang kondisyon. Ang Kanyang pag-ibig ay walang hanggan at ito'y tumatagal magpakailanman. Siya'y patuloy na tapat, at ang Kanyang walang-katapusang maibiging-kabaitan ay nakikita sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at mga gawa. Ang Kanyang maibiging-kabaitan ay isang kapahayagan ng pag-ibig at kabaitan sa Kanyang puso, na madalas na ipinapakita sa Kanyang mga anak. Kilala ka na niya bago ka pa ipaglihi. Bago ka pa man huminga ng unang hininga, pinili Niya na ibuhos ang Kanyang pag-ibig sa iyo at patuloy na ginagawa ito.   

Tulad ng dalawang magnet kapag ang magkaibang mga polo ay nagkakaugnay, ang himalani ay naghihila o nag-aakit sa isa't isa, na ginagawang mahirap ang paghihiwalay sa kanila. Kapag tayo'y lumapit at pinahihintulutan ang ating puso na maging bukas at malinaw sa harap Niya, ang Kanyang pag-ibig ay tumatakbo at pumapasok sa kailaliman ng ating pagkatao, na nagpapalayo sa bawat hinanakit ng puso at takot.   

Walang makahahalili sa tunay na pagpapahayag ng pagiging minamahal ng isang Ama sa Langit. Ang pagiging minamahal at tinatanggap ay ang pinakamalalim na pagnanasa na nais nating lahat. Ang pagiging kilala at minamahal ng isang perpektong Ama na panig sa atin at hindi laban sa atin ang pinakamabuting sitwasyon. Nais Niya na makilala natin Siya at lumakad sa Kanyang mga kaparaanan. 

Ipanalangin mo ang dasal na ito kasama ko:  

Ama, 

Nagpapasalamat ako sa Iyo na minamahal Mo ako ng walang-hanggang pag-ibig. Bago pa man ako huminga, kilala Mo na ako, at araw-araw ay pinipili mong ibuhos ang iyong pag-ibig sa akin. Nawa'y ang bawat tibok ng aking puso ay sumabay sa Iyo. Patuloy na ilapit Mo ako sa Iyo upang malaman ko ang Iyong mga daan. Ituro Mo sa akin kung paano ibigin ang iba sa paraang inibig Mo sila at sana ang aking buhay ay magpakita ng iyong kabutihan at kabaitan sa aking mga gawa at mga salita.  

Sa pangalan ni Jesus, amen. 

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Valentine's Day

Ang Araw ng mga Puso ay maaaring maging isang mahirap na panahon para sa ilan sa atin. Maaaring nasa isang yugto tayo ng buhay kung saan hindi tayo nakikipag-ugnayan, at nais na maging, na maaaring magbangon ng ilang hindi komportableng damdamin. Sa susunod na tatlong araw anuman ang kalagayan ng inyong relasyon, hayaang pasiglahin namin ang inyong puso sa LABIS-LABIS, WALANG KONDISYON, NAGPAPATAHIMIK na pag-ibig ng Diyos.

More

Nais naming pasalamatan ang CBN Europe sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.cbneurope.com/yv