Ang Landas ng Diyos Tungo sa TagumpayHalimbawa
Sa espirituwal na kaharian, ang tagumpay ay natatagpuan sa pagtupad ng layunin ng Diyos para sa iyong buhay. Ito ang kahulugan ng tagumpay ayon sa Biblia. Sa kultura natin ngayon, may ilang mga maling paglalarawan ng pagiging matagumpay. Iniisip ng ibang tao na ang tagumpay ay nakatali sa kung gaano karaming pera ang mayroon ka. Ang iba naman ay ibinabase ito sa kung gaano kataas na ang iyong naabot sa iyong karera. Sa panahon ngayon, maaaring ibatay ito sa kung gaano karami ang sumusunod sa iyo sa social media. Pero ang problema sa mga pagpapalagay na ito ay hindi sila batay sa pamantayan ng tagumpay ng Diyos.
Ibinigay ni Jesus ang kahulugan ng tagumpay noong sinabi NIya, "Inihayag ko sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinapagawa mo sa akin" (Juan 17:4).
Sinabi rin ito ni Pablo sa ibang paraan noong sinulat niya ang mga salitang: "Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya" (2 Timoteo 4:7).
Sa katunayan, sinabi ng Diyos kay Josue na ang kanyang tagumpay ay nakasalalay lamang sa kanyang maingat na pagninilay sa Salita ng Diyos kasama ang paglalapat ng kanyang mga desisyon at pagkilos ayon dito (Josue 1:8). Kalakip ng tagumpay ang pagtupad sa pagkatawag sa iyo ng Diyos.
Ano ang pansariling pakahulugan mo sa tagumpay?
Paano mo ito ikukumpara sa kahulugan ng Diyos dito?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang bawat tao'y naghahanap ng tagumpay, ngunit marami ang hindi nakakahanap nito dahil ang kanilang hinahangad ay isang maling pagkaunawa sa kung ano ang ibig sabihin ng pagkakaroon ng isang matagumpay na buhay. Upang mahanap ang tunay na tagumpay, kailangan mong ituon ang iyong mga mata sa pakahulugan ng Diyos tungkol dito. Hayaang ipakita sa iyo ng sikat na may-akda na si Tony Evans ang landas patungo sa tunay na tagumpay ng kaharian at kung paano mo ito matatagpuan.
More