Ruth, Kuwento ng PagtubosHalimbawa
![Ruth, A Story Of Redemption](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2438%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Malayo sa Tahanan
Minsan na bang sumagi sa iyong isip kung may ginagawa ba ang Diyos sa iyong buhay? Maraming beses ko na itong naisip, at naaalala ko rito ang aklat ni Ruth. Wala tayong mga himalang nakita o banal na pamamagitan mula sa Langit; nakita natin ang pagkilos ng Diyos sa paggabay Niya sa dalawang kababaihan patungo sa daan ng panunumbalik at kasaganaan.
Nagsimula ang aklat ni Ruth sa kuwento ng isang pamilyang naninirahan sa Bethlehem. Nakatira sila sa bayan na kilala bilang bahay ng tinapay, ngunit mayroong kagutuman. Hindi na binigyang detalye pa ng manunulat ang kalagayan ng pamilyang ito; nagsimula ito agad sa kanilang paglalakbay patungo sa lupain ng Moab. Sa simula pa lang, ang bayan ng Moab ay kilala na sa kasamaan. Sa kabila nito, nagdesisyon si Elimelec na kunin ang kanyang pamilya mula sa bayan ng tinapay at dalhin sila sa bansang puno ng kasalanan.
Hindi pa tayo nakakalayo sa simula ng unang kabanata pero mayroon na tayong nakita na magagamit natin sa ating mga sariling buhay. Kung may suliranin tayong hinaharap, hindi tayo dapat umasa sa pang-unawa ng tao o takasan ito; dapat nating hanapin ang Diyos at alamin ang Kanyang layunin dito. Hindi inalam ni Elimelec ang plano ng Diyos, o nagtiwala sa Kanya. Sa halip, dinala niya ang kanyang pamilya mula sa lugar kung saan naninirahan ang bayan ng Diyos patungo sa makasalanang bansa na walang bahay dalanginan at walang samahan ng mga kapwa mananampalataya.
Tila isang panunuya, si Elimelec ay umalis upang makatakas sa kamatayan, ngunit siya at ang kanyang mga anak na lalaki ay haharapin ito sa loob lang ng isang dekada. Hindi lang siya ang naapektuhan ng kanyang maling desisyon, kundi ang kanyang buong pamilya. Napagtanto natin na maaapektuhan ang ibang tao sa mga pagpili na ginagawa natin sa ating buhay.
Magmula nang salungatin ni Elimelech ang kagustuhan ng Diyos, hindi na niya matukoy pa kung alin ang tama o mali. Pinahintulutan niya ang pagpapakasal ng kanyang mga anak sa kababaihan ng Moab na hindi kilala ang Diyos at magkasalungat na pamumuhay mag-asawa. Sa isang maling desisyon, nailayo ni Elimelec ang kanyang pamilya mula sa Diyos. Mahalaga na unawain natin ang kagustuhan ng Diyos sa halip na gawin natin ang sa tingin nating pinakamabuting gawin. Sunod-sunod na maling desisyon ang maaaring resulta ng isang maling desisyon.
Ang magandang balita ay nagpapanumbalik ang Diyos at Siya'y mabuti. Hindi lang pagkasira ng isang pamilya dahil sa isang desisyon ang nakita natin. Hindi pa tapos ang Diyos.
Bilang taga-sunod ng Diyos, may natatangi tayong oportunidad na alamin ang Kanyang kagustuhan at mamalagi sa Kanyang pagkakandili. May mga oras na dumadaan ang bagyo sa ating buhay. Sa mga panahon na iyon, maaaring hanapin natin ang Kanyang layunin at magtiwala sa Kanya, o umasa tayo sa ating sariling pang-unawa at gawin ang sa tingin nating makabubuti. Sa huli, higit pa rin na nakabubuti ang plano ng Diyos kaysa sa atin.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Ruth, A Story Of Redemption](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F2438%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Isa si Ruth sa mga tauhan ng Biblia na maaari natin iugnay sa ating sarili; isang mahirap, biyudang dayuhan na ginawang prayoridad ang Diyos at nakita kung paano nito baguhin ang kanyang buhay. Kung naghahanap ka ng paghuhugutan ng lakas sa iyong sitwasyon ngayon, huwag kaligtaan ang babasahing gabay na ito!
More
Nais naming pasalamatan si Brittany Rust sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: brittanyrust.com