Isang U-Turn Mula sa Mga Emosyonal Na IsyuHalimbawa
Ang isa sa mga pangunahing emosyonal na kuta na nararanasan ng mga tao sa ngayon ay kilala bilang pagsandal sa kapwa. Mayroong iba pang mga tawag dito na nagpapalawak sa kuta na higit pa sa isang relasyon — ang mga katagang iyon ay para lamang masiyahan ang mga tao at mapunan ang adiksyon sa social-media. Ngunit, para sa umpisa, tingnan natin ang pagsandal sa kapwa.
Ang pagsandal sa kapwa ay isang mekanismo para makayanan (isang uri ng emosyonal na kuta) ang pakikitungo ng isang tao—kahit na mali—na maaaring may nararamdamang kakulangan. Marahil ay may kakulangan sa pagpapahalaga sa sarili o mababa ang tingin sa sarili o may malakas na damdamin ng pagtanggi sa kanya. Kahit ano pa man, kadalasang nagsasangkot ang pagsandal sa kapwa sa paggamit ng ibang tao upang ayusin ang isang kasiraan. Tinatawag ko ito na pagkakaroon ng kuta sa tao.
Ang Diyos lamang ang may kapangyarihan at may kakayahang matugunan ang ating mga pangangailangan. Dumarating ang kaguluhan kapag pinipilit nating lumingon sa iba bago tayo lumingon sa Kanya. Sa kabuuan ng Kanyang Salita, mababasa natin kung paano
Gumagamit ang Diyos ng mga tao sa buhay ng iba. Gayunpaman, hindi natin mababasa na nalulugod ang Diyos kapag pinapayagan natin ang mga tao at mga bagay na pumalit sa Kanya. Sa katunayan, ang kabaligtaran ay totoo; lumilikha tayo ng isang emosyonal na idolo. Kahit na ang pagkagumon sa social media ay maaaring maituring na emosyonal na idolatriya.
Mayroong malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng pagtamasa ng ilang relasyon o pakikinabang mula sa mga koneksyon sa social media at ang pagkawasak ng mga emosyonal na ugnayan o paghahambing. Ang mga tao at mga relasyon ay isang regalo na dapat nating matamasa. Ngunit nais din nating mag-ingat na hindi natin payagan ang ating emosyon na maging isang kuta ng pagkalumbay, kalungkutan, inggit, pagdududa, o takot.
Kailangan mong ipaalala sa iyong sarili na, kay Cristo, nasa Kanya ang lahat ng kailangan mo. Hindi mo kailangang panghawakan ang anuman mula sa ibang tao upang makumpleto ka.
Ano o kanino ka umaasa para sa iyong pagpapahalaga sa sarili?
Inaasahan namin na hinimok ka ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa ministeryong ito, mag-clickdito.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag ang iyong buhay ay wala sa pagkakahanay sa Salita ng Diyos marahil ay makakaranas ka ng masasakit na kahihinatnan. Kapag ang iyong emosyon ay nawala sa kaayusan at nagsimulang magdikta ng iyong kagalingan, maaari mong makita ang iyong sarili na nakakulong sa mga bilangguang ikaw ang may gawa kung saan mahirap makatakas. Kailangan mong maghanap ng wastong balanse at malaman kung paano magtiwala sa Diyos. Hayaan si Tony Evans na ipakita sa iyo ang landas ng emosyonal na kalayaan.
More