Christmas or Crisis-much?Halimbawa
Panimula:
Anu-anong mga tradisyon at iba pang noong mga pagdiriwang sa mga nagdaang Pasko ang mami-miss mo sa taong ito? Sa kabila ng mga pagbabagong ito, nagbago rin ba ang pagtingin mo sa kahulugan ng Pasko?
Pag-isipan:
Nauunawaan mo ba kung gaano kalaki ang pagmamahal sa iyo ng Diyos, na ibinigay Niya ang Kanyang Anak na si Jesus para sa iyong kaligtasan?
Ano ang kahalagahan sa iyo ng Pangalan ni Jesus na “Emmanuel”? Paano nito mababago ang pagtingin mo sa buhay at sa mga problemang kinakaharap or haharapin pa?
Bakit mahalagang malaman mo na ang Pasko ay hindi lamang tuwing buwan ng Disyembre kundi sa bawat araw ng buong taon?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Kapag naririnig natin noon ang salitang Christmas o Pasko, agad-agad ay kasiyahan at excitement ang naiisip at nadarama natin – nguni’t biglang nagkaroon ng pandemya at sari-saring crisis sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Malungkot ba ang Pasko mo ngayon? Layon ng Plan na ito na sa harap ng napakahirap na sitwasyon ay makita pa rin natin ang tunay na kasiyahan at kahulugan ng Pasko.
More
Nais naming pasalamatan ang GNPI Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon bisitahin ang: http://gnpi.org