Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Bagong Taon, Parehong DiyosHalimbawa

New Year, Same God

ARAW 4 NG 4

Ang pinakamahusay na koponan

Ang totoong buhay ay parang paaralan: Ang bawat tao'y gustong sumali sa isang grupo na may pinakamatalino, at araw-araw kailangan din nating maghanap ng mga taong maaaring makatulong sa atin na magtagumpay 

Sa gabay na ito, binigyan kita ng tatlong hakbang na maaari mong gawin upang simulan ang isang pinagpalang taon, ngunit itong pinakahuli ang pinakamaganda.

Mas maganda ang buhay kapag mayroon tayong maaayos na kasama; ang mga kargada ay nagiging mas magaan at ang landas ay hindi gaanong mahirap. Kaya naman magandang maging bahagi ng isang koponan: Hindi mo kailangang mag-isa laban sa mundo

Gusto kong isaalang-alang mong gawing bahagi ng iyong buhay ang isang taong kilala ko. Siya'y isang tapat na kaibigan at laging nariyan para sa iyo. LAHAT, ang lahat-lahat, ay nagiging maganda kung nasa tabi mo Siya. Lagi siyang panalo, walang laban na nakita kong natalo Siya. Napakabait Niya, kapag may kulang o kailangan ka, makukuha mo sa Kanya. Hindi ka Niya hahayaang panghinaan ng loob, andyan Siya sa tabi mo para suportahan ka sa mga proyekto mo. Siya ang makakasama mo sa iyong pinakamahihirap na sandali at tutulungan kang sumulong. Siya ay isang tunay na tao, sasabihin Niya sa iyo kapag lumihis ka sa iyong landas at papayuhan kang hanapin muli ang iyong paraan. Ang pinakamagandang bahagi ay nakausap ko na Siya at handa Siyang maging bahagi ng iyong koponan. 

Ang Kanyang pangalan ay Jesus; kilala mo ba Siya?

Sa pagsisimula mo ngayong bagong taon, humingi muna ng pagpapala at pagsang-ayon ng Diyos. Makipagtulungan sa Kanya ngayon. Huminto tayo sa pakikipaglaban nang labis laban sa Diyos, hayaan Siyang makasama sa iyong landas, at magtiwala na dadalhin ka Niya hindi kung saan mo gusto, kundi kung saan mo kailangang pumunta. 

Ang lumakad na kasama ng Diyos ay paglakad nang ligtas, dahil Siya ang ating gabay.

Isang taon na puno ng mga pagpapala at karanasan ang naghihintay sa atin; Payapa ako dahil kabilang ako sa koponan ng isang nanalo. Magkakaroon ng mga hamon; hindi lahat ay magiging malarosas, ngunit sa sandaling iyon ay ipapakita sa atin ng Diyos ang Kanyang kapangyarihan at pangangalaga.

Tandaan: Alisin ang laman ng iyong maleta sa pamamagitan ng pag-iwan sa lahat ng masama. Magtakda ng mga layunin upang matulungan kang magkaroon ng isang may layuning taon. Tingnan ang iyong sarili gaya ng pagtingin sa iyo ng Diyos; kaya mo lahat ng bagay. At sa wakas, ilagay mo ang iyong buhay (taon) sa mga kamay ng Diyos

Diyos + ikaw = Tagumpay ay tiyak. 

Hanggang sa muli!

May pagmamahal, Leslie Ramírez

aboutleslierl.web.app

Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

New Year, Same God

Dumating na ang isang bagong taon at kasama nito, ang mga bagong tunguhin at resolusyon na nais nating makamit. Lahat ay nagbago sa daigdig; gayunpaman, mayroon tayong parehong Diyos na makapangyarihan-sa-lahat na may kakayahang magbigay sa atin ng isang taong pinagpala. Sumali sa akin sa apat na araw na ito na tutulong sa atin na magsimula ng isang taon na may layunin.

More

Nais naming pasalamatan si Leslie Ramírez Lázaro sa pagbabahagi ng gabay na ito. Para sa karagdagang kaalaman, bisitahin ang: https://aboutleslierl.web.app/