Usapang PampamilyaHalimbawa
Panimula:
Naipahahayag mo ba ang iyong pagmamahal para sa iyong pamilya? Sapat ba ang panahon na inilalaan mo para sa kanila, o masyado kang abala sa trabaho o sa pag-aaral, at hindi mo na nabibigyang-pansin ang mga taong nakapaligid sa iyo?
Pag-isipan:
1. Kailan mo huling ipinadama ang pagmamahal mo sa iyong mga magulang, kapatid o anak?
2. Mayroon ka bang magagandang alaala sa iyong pamilya? Mayroon ka bang malalim na ugnayan sa bawat kasapi ng tahanan?
3. Ano pa ang maaari mong gawin upang malaman ng iyong mga kapamilya na sila ay mahal mo at lagi mo silang ipinapanalangin?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Dios ang nagdisenyo ng pamilya, at hangad Niyang ang bawat kasapi nito ay makadama ng pagmamahal at pagtanggap. Ang nakalulungkot, hindi ito nangyayari sa maraming sambahayan. Sa halip na pag-ibig, mas nangingibabaw ang sama ng loob, poot at kawalan ng pagpapatawad. Ano man ang sitwasyon sa iyong tahanan, layon ng Planong ito na matulungan kang isaayos ang mga relasyon, at mailapit ang iyong buong pamilya sa Dios.
More
Nais naming pasalamatan ang GNPI Philippines sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://gnpi.org