Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Buhay na Mataimtim na HinubogHalimbawa

The Deeply Formed Life

ARAW 1 NG 5

“Mga Mapanimdim na Ritmo”

Sa mga debosyonal na ito, ating susuriin ang limang mga prinsipyo na kailangang magkaroon ng malalim na kabuuan sa atin: (1) mga mapanimdim na ritmo; (2) pagkakasundo ng mga lahi; (3) panloob na pagsusuri; (4) kabuuang sekswal; at (5) misyonal na presensya. 

Una, sa harap ng ating kasalukuyang krisis ng bilis, pagkagambala, at mababaw na espiritwalidad, kailangan nating malaman na mayroong isang paraan na sinubukan at pinagtibay na sa loob ng maraming siglo. Ito ang paraan ng nakahiwalay at mapanimdim na buhay.

Ang Biblia ay puno ng mga halimbawa ng mga tao na namuhay ng isang buhay na hinubog ng pag-iisa, katahimikan, at isang pinabagal na espiritwalidad. Ngayon, pagtuunan natin si Jesus.

Ang ating Panginoon ay hindi tunay na maiintindihan kung wala ang Kanyang malalim na pagpapatotoo sa uri ng buhay na nagninilay. Si Jesus ay laging nangangaral, nagpapagaling, nagpapalayas ng mga demonyo, at marami pang iba; ngunit ang Kanyang buhay ay magiging salungat sa sarili kung wala ang mahabang oras na ginugol kasama ang Ama sa katahimikan at pagninilay. Maaaring sabihin na ang ganap na tao na si Jesus ay nagawang mabuhay ng ganoong buhay dahil sa patuloy na oras at enerhiyang inilaan sa pakikipag-isa sa Ama sa panalangin.

Paulit-ulit sa mga Ebanghelyo, ipinahahayag ni Jesus ang kapangyarihan ng Diyos, at pagkatapos ay bumabalik Siya upang makipag-isa sa Diyos kung saan nagmumula ang kapangyarihang iyon.

Hindi ba ito ang iyong hinahangad? Hindi ka ba napapagod na mabuhay nang mabilis na nagiging malabo na ang kagandahan, kapayapaan, o kaligayahan? Ang bilis ng ating pamumuhay ay pumipinsala sa ating mga kaluluwa. Ang mga panloob at panlabas na pagkagambala ay nagpapaliit sa ating kakayahan na makita ang kilos ng Diyos sa paligid at sa loob natin.

Gayon pa man, ang Diyos ay nakatuon sa ating pagbabago. Hindi lang ang mapaganda ang ating mga buhay ang gusto Niya; nais Niyang puspusin ito ng Kanyang buhay. Araw-araw, Siya ay lumalapit sa atin nang may pag-ibig, inaabot tayo, hinahanap, at nakikiusap na bigyan natin Siya ng pansin. Ito ang kakanyahan ng mga mapanimdim na ritmo—ang layunin ng buhay na may pagninilay. 

Kailangan nating buksan ang ating mga sarili sa paraan ng Diyos; iyon ay, kailangan nating umalis ngunit muling bumalik ngunit sa ibang paraan. Gaya ng sinabi ni Apostol Pablo, tayo ay iniimbitahan na "mabuhay nang malaya, pinapaalab at pinupukaw ng Espiritu ng Diyos" (Mga Taga-Galacia 5:16, msg). 

Magpunta ka sa isang tahimik na lugar nang mag-isa ng hindi bababa sa isang oras, gamitin ang oras na iyon sa tahimik na panalangin at pakikinig sa Diyos.

Tungkol sa Gabay na ito

The Deeply Formed Life

Ayon kay Pastor Rich Villodas ng New York, ang isang buhay na may malalim na pagkabuo ay isang buhay na minamarkahan ng pagsasama-sama, pagtatagpo, magkakasalikop, at pag-uugnayan, na pinagsasama ang maraming mga suson ng espirituwal na paghubog. Ang ganitong uri ng buhay ay tumatawag sa atin na maging mga taong naglilinang ng mga buhay kasama ang Diyos sa panalangin, kumikilos tungo sa pagkakasundo, gumagawa para sa katarungan, may malusog na kalooban, at nakikita ang ating mga katawan at sekswalidad bilang mga kaloob na dapat alagaan.

More

Nais naming pasalamatan ang WaterBrook Multnomah sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang: https://www.richvillodas.com/