Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MAYROON ka ngang Panalangin!Halimbawa

MAYROON ka ngang Panalangin!

ARAW 2 NG 6

"Nais Kang Mapakinggan ng Diyos"

Ang isa sa maraming kadahilanan kung bakit itinuturing ang panalangin na isang huling paraan kapag nahaharap tayo sa mga hamon ay dahil mayroon tayong hindi tumpak na pang-unawa sa Diyos. Minsan ay nagkakamali tayo sa ating pananaw na malayo lamang at hindi personal ang antas ng interes ng Diyos sa ating buhay. Gayunpaman, ang katotohanan ay intresadong interesado ang Diyos sa iyong buhay. Nilikha ka Niya para sa Kanyang kasiyahan, at nais Niyang kumilos sa iyo at sa pamamagitan mo! 

Ang simpleng kahulugan ng panalangin ay komunikasyon sa Diyos. Isipin ang isang matalik na pagkakaibigan na mayroon ka. Siguradong nandiyan ang taong iyon para sa iyo kapag kailangan mo siya, at palagi kang nakikipag-usap sa kanila, hindi ba? Ibinabahagi mo ang iyong buhay, hindi ba? Alam mo ba, nais ng Diyos na maging matalik mo Siyang kaibigan. Maaari mong sabihin sa Kanya ang lahat at anumang bagay, maaari kang tumawa kasama Niya, maaari mong ikuwento ang tungkol sa iyong araw sa Kanya, maaari mong ipahayag ang mga hinahangad ng iyong puso sa Kanya. Ang punto ay nais Niyang marinig ang lahat! Ninanais ng Diyos na magkaroon ka ng matalik at personal na pakikipag-usap sa Kanya. 

“Tingnan mo! Nakatayo ako at kumakatok sa pintuan. Kung diringgin ninuman ang aking tinig at bubuksan ang pinto, papasok ako at kakain akong kasalo niya.” Pahayag 3:20

Kumakatok si Jesus sa pintuan ng ating mga puso, nagnanais ng isang mahalagang oras ng pagsasamahan sa isang personal na antas. Kahit ang pagbubukas lamang ng pintuan sa banayad na kahilingan ni Jesus para sa pagsasamahan ay simula na ng isang matagumpay, epektibo at mabungang buhay-panalangin na puno ng mga pagpapala ng Diyos. 

Ang Diyos ang tunay na pagmumulan ng kanlungan sa buhay, at nais Niyang ipakita sa atin ang Kanyang katapatan at pag-ibig - walang hamon ang kailanman ay napakalaki para sa Kanya - Nais lamang Niyang makarinig mula sa iyo. 

“Mga kababayan, sa lahat ng oras magtiwala sa Diyos; sa kanya ilagak ang inyong pasaning ngayo'y dinaranas; siya ang kublihang may dulot na lunas.” Awit 62:8

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

MAYROON ka ngang Panalangin!

Tuklasin ang mga prinsipyo sa pagbuo ng isang malakas at epektibong buhay-panalangin. Panalangin - pakikipag-usap sa Diyos sa isang personal na antas - ang susi upang makita ang positibong pagbabago sa ating buhay at paligid. Hango sa librong, "Out of This World: A Christian’s Guide to Growth and Purpose” ni David J. Swandt.

More

Nais naming pasalamatan ang Dalawampung20 Faith, Inc. sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.twenty20faith.org/yvdev3