Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang Sinasabi ng AmaHalimbawa

What The Father Says

ARAW 3 NG 3

 Ikaw ay nasa Aking mga Palad  

Sinasabi ng Ama, “Ang ganap Kong pag-ibig ay dumadaloy sa iyong puso, at itinataboy ang lahat ng takot. Bitiwan mo lahat ng hinahawakan mo, at kumapit ka sa Akin. Ako si Jehovah Jireh, ang iyong Tagapagbigay. Ako si Jehovah Rapha, ang iyong Manggagamot. Ako ang Alpha at Omega, at pupunuin Ko ang iyong mga araw ng Aking kabutihan sapagkat ikaw ay nakipagtipan sa Akin. Ang iyong pamilya, pananalapi, at kinabukasan; ilagay mo sila sa Aking paanan, at masdan kung ano ang Aking gagawin habang nagtitiwala ka sa Akin. Aking minamahal na anak, ikaw ay nasa Aking palad.”

Iniimbitahan tayo ng Diyos na manatili sa kapahayagan na ito: tayo ay nasa Kanyang mga palad. Tulad ng kantang pang-bata, "Nasa kamay Niya ang buong mundo!" Kapag nahaharap sa mga paghihirap, mahalagang manalig sa tinig ng Ama at magpahinga sa Kanyang kalapitan. Ito ay hindi sa pamamagitan ng lakas, o kapangyarihan, kundi sa pamamagitan ng Kanyang espiritu. Siya ang ating kublihang dako, kanlungan, at matibay na tore. Sa kaalaman at sa walang kaalaman, sa kasalukuyan at sa darating na mga araw, Siya ang dapat nating takbuhan palagi.

  

Sa 2 Cronica 20:17 (RTPV05), si Haring Jehoshafat ay nasa gitna ng isang labanan. Dumating ang Salita ng Panginoon na nagsasabi, “Hindi na kayo kailangang lumaban. Manatili na lamang kayo sa inyong kinatatayuan at maghintay. Makikita ninyo ang pagtatagumpay ni Yahweh para sa inyo. Kaya hindi kayo dapat matakot ni masiraan ng loob. Harapin ninyo sila bukas sapagkat si Yahweh ang kasama ninyo!” Habang papunta sila sa hukbo, si Haring Jehosapat at ang kanyang mamamayan ay sumamba nang buong puso, at itinaas ang pangalan ng Diyos!

Habang sila ay umaawit, ang Panginoon ay nagtakda ng mga pananambang laban sa kanilang karibal, at ang kanilang kaaway ay natalo.

Isa sa pinakadakilang posisyon ng pananampalataya ay ang magpahinga sa mga bisig ng Ama at sambahin Siya. Magpahinga sa kabutihan ng Diyos. Magpahinga sa Kanyang mga pangako. Magpahinga sa Kanyang tagumpay. Magpahinga, at Siya na ang bahala sa iba. Tulad ni Juan na minamahal, ilagay mo ang iyong ulo sa dibdib ni Jesus. Sa lugar na ito ng pagkamalapit at komunyon, ang lahat ng mga alalahanin ay nilulunod ng tibok ng puso ng Diyos. Ang Kanyang puso ay tumitibok para sa iyo. Sinasabi ng Ama, "Ikaw ay nasa Aking mga palad."

Maging masigla sa mga titik ng awit, Shalom, ng Legacy Worship:

“Maaaring hindi ito bahagi ng iyong plano 

Ngunit ikaw ay nasa Aking mga palad 

Ako ang bahala sa iyo

Ako ang bahala sa iyo


Nandito lamang Ako 

Hindi kita iniwan 

Nandito pa rin Ako

Katabi mo lamang Ako”

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

What The Father Says

Higit na marami kaysa sa mga buhangin sa dalampasigan, ang pag-aalala nang may pag-ibig ng Ama sa iyo. Ikaw ang Kanyang minamahal na anak, at Siya ay nalulugod sa iyo! Ang debosyonal na ito ay isang paanyaya para sa iyo na makatagpo ang perpekto, nakamamanghang kalikasan ng iyong Ama sa langit. Sa Kanyang pag-ibig, walang pagpupunyagi at walang takot, sapagkat ikaw ay nasa palad ng Kanyang kamay.

More

Nais naming pasalamatan Christ for the Nations sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://cfni.org/