Ang 49-Linggong HamonHalimbawa
Maligayang pagbati para sa Gabay na ito na sumasakop sa kabuuan ng Biblia ng wala pang isang taon! Isa sa pinaka mainam na paraan upang magpatuloy hanggang sa huli ay ang humanap ng isa o dalawang kaibigan na nais sumali sa parehong Gabay na ito sa parehong oras. Sino ang aanyayahan mong sumali sa paglalakbay na ito? Maaari mong basahin ang mga Gabay na ito gamit ang Gabay kasama ang mga kaibigan dito sa YouVersion Bible App, o maaari mo basahin ito ng bukod at makipag-usap sa isat-isa tungkol dito sa loob ng isang beses sa isang linggo.
Habang ikaw ay naghahanda sa pagbasa ngayong araw, hilingin sa Diyos na maghayag ng anumang bagay sa iyo. Itala ang anumang pangako upang magtiwala, kautusan upang sundin, katotohanang dapat yakapin, mga babala na dapat dinggin, o anumang paghimok na maaari mong pagpahingahan. Maaari mong itala ang mga iyon sa loob ng Bible App, o maaari mong isaalang-alang ang pagkakaroon ng sariling talaarawan upang itala ang iyong mga kaisipan. Pagkatapos mong basahin ang Banal na Kasulatan para sa Araw na ito, narito ang dalawang katanungan na dapat hintuan at pagnilayan:
Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos, tungkol sa iyong sarili, o patungkol sa mundo?
Mayroon bang isang talata o kaisipan ang tumatak sa iyo para sa araw na ito? Makipagusap sa Diyos tungkol dito.

Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Gabay sa Biblia na ito ay naglalakbay sa kabuuan ng Biblia sa parehong Luma at Bagong Tipan na babasahin araw-araw. Masusundan mo ang Lumang Tipan ayon sa pagkakasunod sunod, kasama ang pagkahalubilo ng Mga Awit at propeta sa paglapat sa kasaysayan. Bawat araw ay may kalakip na talata mula sa Bagong Tipan upang ipakita kung paanong Ang Biblia ay isang kwentong pumapatungkol Kay Jesus. Bawat ika-pitong araw ay paghinto upang magnilay sa iyong natutunan.
More
Nais naming pasalamatan ang Life.Church para sa pagkakaloob ng Gabay na ito. Para sa higit pang impormasyon, bisitahin ang www.life.church