Freedom Fighters – Revived For A Reason (PH)Halimbawa
Freedom Is For Everyone
Freedom – halos lahat ay nahuhumaling rito. Maririnig mo ito sa musika na pinakikinggan mo, mapapanood sa movies, pati mga marketers bebentahan ka ng idea of freedom para bumili ka ng products nila. Pero ano nga ba talaga ang freedom? Alam mo nga ba ang totoong ibig sabihin nito?
Noong sinabi ni Jesus, “You will know the truth and the truth will set you free,” sa John 8:32, anong pumukaw sa puso mo? Naniwala ka ba doon? Namumuhay ka ba sa kalayaang ito? Para maintindihan natin ang lalim ng pahay Niya na iyon, kailangan natin malaman ang kultura, panahon, at lugar ni Jesus noong sinabi Niya ito.
Noong panahon, ang Jewish religion ay mayroong higit 600 rules and regulations na kailangang sundin. May mga consequences iyon kapag hindi sinunod. Naintindihan nila na kapag may binali kang alituntunin ay may parusang nag aabang, at kinakailangan din noon ang pagsasakripisyo ng hayop. Bilang Jew, si Jesus ay namuhay sa mga alituntuning iyon at during His lifetime He kept all 600, never breaking one! Siya lang ang natatanging hindi kailangang parusahan o mag-alay ng sacrifice, pero Siya ang gumawa ng greatest sacrifice at nag tamo ng greatest punishment, kamatayan.
Noong sinabi ni Jesus sa Matthew 5:17, “Do not think that I have come to abolish the Law or the Prophets; I have come not to abolish them but to fulfill them,” Sinasabi Niya, ‘Ako ang katuparan at ako ang kukumpleto sa law by becoming the sacrifice to end all sacrifices for everyone.’ He became the sacrificial lamb. Grabe! That was a revolutionary action and statement.
This freedom ay para sa lahat, para sa iyo, sa kapit bahay mo, kahit sa kaaway mo. Hindi mo ‘to inearn through your good works, ito ay dahil sa ginawa ni Jesus Christ para sa iyo at sa ating lahat. He purchased eternal freedom for you, and it cost Him His life. Ang tunay na kalayaan ay hindi lang sa kaalaman na pinalaya ka ni Jesus, kasama dapat dito ang pag-kilala sa Kaniya. You are free, revived and, alive. Your life has meaning and purpose because of Jesus.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Gospel isang message of freedom. Hindi ‘to bago sa atin dahil through the Gospel tayo’y naging malaya. Dahil dito naranasan natin ang joy of liberation. Dati tayong patay sa ating kasalanan at ngayo’y nabigyang buhay! Itong kalayaang ito ay ibinigay satin upang maibahagi rin sa iba at malaman nila na pwede rin silang maging malaya. Tara samahan niyo kami sa limang araw na pagtatalakay kung paano maging freedom fighter!
More
Nais naming pasalamatan yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/