Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Kapangyarihan Ng PanalanginHalimbawa

 Kapangyarihan Ng Panalangin

ARAW 5 NG 5

Ipinadala ito ng Panginoon

Mga taon na ang nakalilipas, may isang matandang babae na walang pera upang bumili ng pagkain. Nanalangin siya, "Mabuting Diyos, bigyan mo po ako ng karne ng baka at isang sakong pagkaing mais." Maraming beses na ipinagdarasal niya nang malakas ang parehong panalangin. Ang isang masamang residente sa lungsod ay nagpasya na paglaruan ang matandang babae. Ibinaba niya ang karne ng baka at isang sako ng mais na pagkain sa pamamagitan ng tsimenea, na lumapag mismo sa harap ng matandang babae habang siya ay nananalangin.

Napalukso, ang babae at sumigaw, "Oh aking Diyos! Sinagot mo ang aking dalangin." Pagkatapos ay lumibot siya sa bayan at sinabi sa lahat ang tungkol sa mabuting balita. Naging katatawanan ito sa lalaki at sinabi sa kanya na hindi Diyos ang sumagot sa kanyang mga dalangin, sapagkat siya ang sumagot sa kanyang mga dalangin.

Sumagot ang matandang babae, “Marahil inihatid ito ng masama, ngunit ipinadala ito ng Diyos!"

Sinasagot ng Diyos ang mga panalangin sa maraming paraan.

Debosyon

Ang sagot sa panalangin ay karaniwang hindi natin kayang maabot. Maraming paraan ang Diyos upang masagot ang ating mga dalangin at kahilingan. Kapag tayo’y nananalangin, pinahihintulutan ba nating magpasya ang Diyos kung paano Niya sasagutin ang ating mga dalangin? Manalig tayo sa kapangyarihan ng Diyos at sa paraan ng pagsagot niya sa bawat panalangin natin.

Ang panalangin ay nakalulugod sa Diyos, pinapalambot ang Kanyang puso, nagbubukas ng Kanyang mga kamay:  Hindi tinatanggihan ng Diyos ang isang kaluluwang nananalangin. (Thomas Watson)

Banal na Kasulatan

Araw 4

Tungkol sa Gabay na ito

 Kapangyarihan Ng Panalangin

Ang debosyong ito ay magpapahayag sa atin ng kapangyarihan ng panalangin, na ang Diyos ay pwede nating makausap at tumutugon sa mga nananamplataya sa Kanya.

More

Nais naming pasalamatan ang Bethany Church (Singapore) sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: http://www.bcs.org.sg