Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Magsisimulang Magbasa ng BibliaHalimbawa

How to Start Reading the Bible

ARAW 1 NG 4

Ano ang Biblia at Bakit Ito Importante 

Ang Biblia na nabasang mabuti ay tanda ng isang malusog na kaluluwa. — Hindi nagpakilala

Ang Biblia, na karaniwang tinutukoy bilang Salita ng Diyos o Banal na Kasulatan, ay ang ating gabay na libro bilang mga tagasunod ni Cristo at ito ay isang mahalagang bahagi na makatutulong para tayo ay mas mapalapit kay Jesus. Kahit na hindi nito sinasagot ang lahat ng ating mga katanungan, ito ay nagbibigay ng direksyon sa atin tungkol sa kung sino ang Diyos, kung paano makikipag-ugnayan sa iba, kung paano mamuhay nang may layunin, at kung paano makatanggap ng buhay na walang hanggan.

Ang isa sa mga pinakanakakatakot na bagay na masasabi sa atin ay dapat nating basahin ito nang higit pa. Ngunit maaari nating malaman ang ilang makapangyarihang katotohanan tungkol sa Biblia, at ito ay maghihikayat sa atin na gawin itong bahagi ng ating mga gawain araw-araw. 

Una, pag-usapan nating kung ano ito.

Ang Biblia ay binubuo ng...

  • 66 na iba't-ibang libro…
  • ...naisulat sa loob ng 1,500 na taon…
  • ...sa tatlong wika… 
  • ...ng higit sa 40 magkakaibang may-akda…
  • ...namuhay sa tatlong magkakaibang kontinente…
  • … lahat ay hango mula sa Diyos.

Kahit na ang mga librong ito ay naisulat nang hindi nakadepende sa isa't-isa, iisa lang ang tema na kanilang ipinararating sa parehas na buong Luma at Bagong Tipan: ang pagtubos ng sangkatauhan sa pamamagitan ng ating Tagapagligtas, si Jesucristo.

Mayroong higit na 300 na propesiya sa Lumang Tipan na nakahula ng buhay at gawain ni Jesus at bawat isa sa kanila ay natupad sa kanyang buhay. Sa lahat ng mga pagkakaiba nito sa kung paano at kailan naisulat ang Biblia, hindi pwede na ang karamihan ng mga propesiya ay maaaring nahulaan lamang ng mga may-akda o o kaya naman ay nakipagsabwatan sila sa bawat isa.

Ang mga katotohanang iyon ay simpleng kamangha-mangha! Ang pag-aaral at pagkatuto tungkol sa Biblia ay magiging isang panghabang-buhay na pagsisikap, sapagkat tayo ay may hangganang mga tao na nagtatangkang unawain ang walang hanggang Diyos. Gayunpaman, maaari tayong lumago sa ating pag-unawa at patuloy na matuto sa buong buhay natin. 

Maaari nating isipin kung paano talaga maaapektuhan ang ating buhay kung hindi natin binabasa ang Biblia. Maaaring hindi natin mararamdaman ang malaking pagkakaiba kung makaligtaan natin ang isang araw. Ito ay tulad ng pag-inom ng gamot para sa isang kundisyon na mayroon tayo— maaaring hindi natin naiisip na ang gamot ay may nagagawa, ngunit kung tayo ay titigil sa pag-inom nito, mapapansin natin ang malaking pagkakaiba. Maaaring hindi natin palaging maramdaman na naaapektuhan tayo ng Biblia, ngunit kung ito ay ating tatanggalin mula sa ating pang-araw-araw na paglalakad kasama si Jesus, mapapansin natin kung gaano nagugutom ang ating espiritu. 

Habang tayo ay nagpapatuloy sa Gabay sa Bibliang ito, matutuklasan natin kung paano paunlarin ang ugali ng pang-araw-araw na pag-aaral, matutong isabuhay ang Salita ng Diyos sa ating buhay, at mas magtiwala sa Diyos sa tuwina. 

Pagninilay

  • Naniniwala ka ba sa kabuluhan at kahalagahan ng Biblia? Bakit o bakit hindi?
  • Kung ito ay isang larangan na nais mong matutuhan nang higit pa, maraming magagamit na mapagkukunan sa online mula sa mga taong ginugol ang kanilang buhay sa pagkuha ng mga katotohanan sa Biblia at ang kabuluhan nito.
Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

How to Start Reading the Bible

Maging tapat tayo: Alam natin na magandang ideya na basahin ang Biblia, ngunit mahirap alamin kung saan magsisimula. Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit mahalaga ang Biblia, kung paano magsimula ng pang-araw-araw na ugali sa pagbabasa, at kung paano isasabuhay ito ngayon.

More

Ang orihinal na Gabay sa Biblia na ito ay ginawa at nagmula sa YouVersion.