Tunay Na Malaya | 6-Day Video Series from Light Brings FreedomHalimbawa
Nasugatan ka na ba?
Naranasan mo na bang nasaktan ng isang malapit na kaibigan? Lahat tayo ay minsan nang nasaktan sa ating buhay. Marami sa atin ang nasaktan ng sobra-sobra pa. Hindi natin laging mako-kontrol ang mga bagay na nangyayari sa atin, pero nasa atin kung papaano natin tratuhin ang mga masasakit na karanasang ito. Ang ating reaction ay may malaking epekto sa ating kinabukasan. Sa pamamagitan lamang ng pagpapatawad maaaring mawala ang kadena na gumagapos sa atin sa nakaraan.
Maaaring tayong maging malaya sa pamamagitan ng mga salitang ito: "Pinapatawad na kita".
Anong kailangang mangyari upang makapagpatawad ka sa mga taong nakasakit sa'yo?
May mga taong naniniwala na may karapatan silang magtanim ng sama ng loob. Pero, ang pagtatanim ng sama ng loob ay hindi ang nagpapalakas sa'yo; bagkos ginagawa ka nitong bitter. Sa kabilang banda, ang pagpapatawad ay hindi ang nagpapahina sa'yo ngunit ito'y nagpapalakas sa'yo.
Ang pagpapatawad ay desisyon.
Bakit kailangan nating piliin na patawarin ang mga taong sumugat sa atin?
Pinipili nating magpatawad sapagkat pinatawad tayo ni Jesus. Kinuha Niya ang kabayaran ng ating mga kasalanan at Siya'y namatay sa krus. Sumusunod tayo sa Kaniyang halimbawa na magpatawad. At sa pagpapatawad sa mga nakasakit sa atin, ipinapakita natin na mahal natin si Jesus sa pagsunod sa Kaniya... bagamat ito'y mahirap gawin.
Tandaan natin: Ang pagpili na magpatawad ay magdadala ng personal na kapayapaan at kalayaan mula sa kapaitan ng loob.
Ang gusto Niyang gawin para sa'yo:
- Patawarin ang iyong mga kasalanan.
- Palayain ka sa mga mahihirap na bagay na dinanas mo.
- Pagalingin ka sa lahat ng kapaitan, pagkamuhi at paglabag.
Pag-isipan:
- Paano ako tumutugon kapag sinasaktan ako ng ibang tao?
- Bakit kailangan ko silang patawarin?
- May mga tao ba sa aking buhay na dapat kong patawarin?
Basahin ang mga verses sa Bible para sa araw na ito at hinging mangusap sa’yo ang Diyos.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Sa buhay na ito meron talagang giyera espirituwal. Naranasan mo na bang labanan ang adiksyon, takot, o kawalan ng pag-asa? Ipinangako ng Diyos na sasamahan Niya tayo na Kaniyang mga anak. Higit pa rito, tutulungan Niya tayong magtagumpay! Masasabi mo ba na ikaw ay namumuhay sa kalayaan na meron Siya para sa'yo? Here are some keys for true victory and freedom in Christ from the "Light Brings Freedom" discipleship series.
More
Nais naming pasalamatan ang Bridge To The Islands & Nations Ministries sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://lightbringsfreedom.com/