Paglalaan ng Oras Upang MagpahingaHalimbawa

Punuin Upang Maibuhos
Ang mapuspos ng Espiritu Santo ay ito lamang — na ang aking buong kalikasan ay nakasuko sa Kanyang kapangyarihan. Kapag ang kaluluwa ay nakasuko sa Espiritu Santo, ang Diyos mismo ang magpupuno nito. — Andrew Murray
Ang dahilan kung bakit kailangan natin ng pahinga ay dahil tayo ay nagtatrabaho o gumagamit ng ating enerhiya sa kung ano mang paraan. At dahil lang natututo tayo kung paano magpahinga at maaaring makaramdam ng pahinga, hindi nangangahulugang mananatili tayo sa ganoong paraan.
Magtatrabaho muli tayo.
Tutulong muli tayo sa iba.
Mararamdaman muli nating ubos at pagod na ang ating damdamin.
Ang pamamahinga para sa kapahingahan lamang ay hindi ang buong punto. Nagpapahinga at nakakapagpahinga tayo upang makapagtrabaho ulit tayo. May magandang ritmo ng pagtatrabaho at pamamahinga; ng pagpupuno upang tayo ay maaaring magbuhos.
Tulad ng napag-usapan natin, ang pagninilay sa Salita ng Diyos, pagtatalal, at paghiwalay sa mga bagay na nakakagambala sa atin ay mga gawi na maaaring pumuno muli sa atin. Natatagpuan natin ang pahinga habang ginagawa natin ito araw-araw. Tulad ng ating mga pisikal na katawan na nangangailangan ng sapat na oras bawat gabi upang lumakas at magpatuloy, kailangan din ito ng ating espiritu. Hindi natin maaasahan na magkaroon ng malakas at masiglang espiritu nang hindi namumuhunan. Hindi natin maaaring isipin na ang isang linggong bakasyon ay madadala tayo nang maraming buwan. Dapat tayong gumawa ng araw-araw na mga deposito sa ating timba ng pahinga upang magtagal tayo. At kailangan nating maging mapagmasid kung napakaraming pagkuha na ang ginawa.
Sa kanyang libro, Leading on Empty: Refilling Your Tank and Refueling Your Passion, isinalaysay ng may-akda at pastor na si Wayne Cordeiro ang isang panaginip niya. Isang babae ang lumapit sa isang magsasaka sa kanyang bukid at humingi ng isang bagay na wala siya. Sinabi niya, "Bumalik ka bukas, at marami pa muli akong maibibigay." Nagalit ang babae ngunit hindi nabahala ang magsasaka. Patuloy lang siya sa trabaho. Dumating ang mga tao sa kanyang bukid araw-araw at kapag naubusan siya ng itlog o gatas, sasabihin lang niya, "Bumalik ka bukas, at marami pa muli akong maibibigay." Ibinahagi ni Pastor Cordeiro ang kanyang panibagong perspektibo matapos ang panaginip na ito:
Hindi ko kailangang itali ang aking sarili sa isang kathang-isip at walang patawad na siklo upang makagawa ng higit pa, gumawa ng higit pa, o subukang higitan ang mga numero ng nakaraang linggo. Bilang lang ang oras ko sa bawat araw, at nais kong gawin ang aking makakaya nang buong puso. Kapag naubos na ang oras, sasabihin ko, "Bumalik ka bukas, at marami pa muli akong maibibigay."
Gumigising tayo bawat araw na may limitadong mental, emosyonal, at pisikal na enerhiya. Kapag ibinuhos na natin ang lahat ng dapat nating ibigay, dapat tayong magpahinga. Kapag narito tayo sa walang laman na estado na ito, mas kaunti sa atin ang maaaring humadlang sa Kanyang gawain sa ating buhay.
Kumiling, tumahimik, at magpahinga. Ito ang pinaka-angkop at wastong oras upang mapunan ng Espiritu ng Diyos.
Pagnilayan
- Nararamdaman mo ba na kailangan mong matugunan ang bawat pangangailangan na nakikita mo?
- Ano ang isang bagay na maaari mong isama sa iyong pang-araw-araw upang maramdamang puno at masigla?
- Isulat ang anumang pahayag na sinasabi sa iyo ng Diyos sa iyong pagbasa sa Biblia o debosyonal ngayon.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Ang labis na pagtatrabaho at ang madalas na pagiging abala ay kadalasang hinahangaan ng mundo, at maaaring maging hamon ito sa pagpapahinga. Para magawa natin ang ating mga tungkulin at mga plano nang epektibo, kinakailangan nating matutunang magpahinga dahil kung hindi ay mawawalan tayo ng panahon sa ating mga minamahal sa buhay at pati na rin sa ating mga itinakdang layunin. Halina't gugulin natin ang mga susunod na limang araw upang matutunan ang tungkol sa kapahingahan at kung paano ito maipapamuhay.
More