PagsisisiHalimbawa
Ang Awit 51 ay ang panaghoy ni David sa Diyos para sa kapatawaran para sa paterno ng mga kasalanan na kanyang nagawa kasunod ng kanyang mga paglabag kasama si Batsheba. Halos maaari mong mailarawan si David na naninikluhod at sumisigaw sa Diyos upang hugasan ang kanyang mga kasalanan. Ang Awit na ito rin ay nagbibigay larawan sa atin kung papaano rapat ang pagsisisi sa ating mga buhay. Una, inihayag at inamin ni David ang kanyang kasalanan. Pangalawa, humingi siya ng pagpapatawad. Sumunod, humingi siya ng tulong sa Diyos upang siya ay baguhin. Panghuli, hiniling niya sa Diyos na tulungan siyang gamitin ang kanyang mga kasalanan upang maturuan ang iba pang mga nagkakasala at nangangailangan ng kapatawaran. Ano ang anyo ng pagsisisi sa iyong buhay? Sa pagsunod mo sa halimbawa ni David, sa papaanong paraan mo mapalalakas ang iyong relasyon sa Diyos?
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Ang Pagsisisi ay isa sa mga pinakamamahalagang aksyon na ating ginagawa bilang pagkilala kay Cristo bilang ating personal na Tagapagligtas. Ang pagsisisi ay ang ating aksyon, at ang kapatawaran ang reaksyon ng Diyos mula sa kanyang perpektong pag-ibig para sa atin. Dito sa 5-araw na babasahing gabay, ikaw ay makatatanggap ng pangaraw-araw na babasahin mula sa Biblia at isang maiksing debosyonal na isinulat upang ikaw ay tulungang mas maunawaan ang kahalagahan ng pagsisisi sa ating paglalakbay kasama si Cristo. Para sa karagdagang nilalaman, bisitahin ang www.finds.life.church
More
We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church