Revival Is Now! (PH)Halimbawa
Bibigyan ka ng revival ng malakas na tunog ng kalayaan
Hindi talaga alam ng lipunan ang totoong kalayaan. Masyado na siyang naiipit sa "rat race," lulong sa adiksyon at pagal sa pangangailangan upang mapanindigan ang mga pagharap sa tao na nakalimutan na nito kung ano talaga ang kalayaan. Ang ating lipunan ay nangangailangan ng pag-asa, pagbabago at si Jesus. Ipinapaalala ng revival na may tunog ang revival; hindi siya normal at hindi ito kakaiba, ngunit kahali-halina ito. Mapapalapit ang tao sa kung paano ka mamuhay at maiintriga sa kung paano ka magsalita dahil lahat ng ginagawa mo ay sumisigaw ng kalayaan. Ang kakayanan mong magkaroon ng pag-asa sa hirap ng buhay ay sumisgaw ng kalayaan. Ang pamamaraan mo na pangasiwaan ang stress ay sumisgaw ng kalayaan. Ang tuluyan mong pagiging mapagbigay ay sumisigaw ng kalayaan. Ang kakayahan mong ibaba ang iyong telepona upang makipag-ugnayan sa tao ay sumisigaw ng kalayaan.ng pagnanais mong pangalagaan ang iba kapag walang may gusto ay sumisigaw ng freedom.
Ang ganda ng oportunidad mo upang magdala ng pagbabago sa buhay ng mga tao sa iyong paligid sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tungkol kay Jesus at sa kalayaang dala Niya. Bakit hindi mo Siya ibahagi ngayon?
Para sa karagdagang tulong upang makita ang revival, buhay sa misyon at pagbabahagi kay Jesus, i-download ang yesHEis ngayon - isang libreng app upang tulungan kang magkaroon ng kumpiyansa, at matuuto mula sa iba at hamunin ang iyong sarili na gumawa ng pagbabago.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Isa sa mga pinaka-exciting na salita sa Christian vocabulary ay ang salitang "REVIVAL." Hindi mo kailangang tumingin sa malayo para makita at marining ang libu-libong Kristiyano na pinag-uusapan ang revival. Samahan mo kami for a 7-day journey para malaman kung paano mo ilulugar ang sarili mo na makita ang revival sa buhay mo.
More
Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://yesheis.com