Ang Banal na Pamamahala sa OrasHalimbawa
![Divine Time Management](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14897%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Mabuhay Mula sa Pagkakakilanlan at Hindi Para sa Pagkakakilanlan
Kung ano ang pinaniniwalaan natin tungkol sa kung sino tayo ang siyang tumutukoy kung anong ginagawa natin at anong nararamdaman natin sa ginagawa natin. Nais ng Diyos na gamitin natin ang ating oras mula sa isang lugar ng pagkakakilanlan sa halip na para sa pagkakakilanlan upang lubos tayong maging panatag sa Kanya.
Hinihingi nito sa atin na magkaroon ng pagbabago sa ating pag-iisip pagdating sa ating pagkakakilanlan:
- Di-tiyak kumpara sa tiyak
- Panlabas kumpara sa panloob
- Kakaunti kumpara sa ganap
Ang kasinungalingan mula sa mundo ay yaong ang ating pagkakakilanlan ay hindi tiyak at maaaring mawala o magbago sa isang iglap. Ang katotohanan mula sa Salita ng Diyos ay yaong ang ating pagkakakilanlan ay tiyak kay Cristo. Tulad ng sinasabi sa Mga Taga-Galacia 3:26 (RTPV05): "Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos."
Ang kasinungalingan mula sa mundo ay yaong ang ating mga panlabas ay siyang tumutukoy sa ating pagkakakilanlan—ang ating itsura, ang ating ari-arian, o kung ano ang ating posisyon. Ang katotohanan mula sa Biblia ay nagsasabing kung anong mayroon tayo sa ating kaloob-looban dahil kay Cristo ay siyang mahalaga. Ibinabahagi ng Mga Taga-Colosas 3:12 (RTPV05) na ang ating panloob na katauhan ang siyang dapat nating panlabas na palamuti: "Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis."
Ang kasinungalingan mula sa mundo ay nagsasabing ang ating pagkakakilanlan ay nakasalalay sa pagkukumpara, kung tayo ba ay "mas mabuti" o "mas masama" kaysa sa mga tao sa ating paligid. Ngunit ang katotohanan mula sa Banal na Kasulatan ay nagsasabing ang ating pagkakakilanlan ay ganap at ang mga makamundong paghatol at pagkukumpara ay walang halaga sa Diyos. Sinasabi ito sa Mga Taga-Filipos 2:3-4 sa ganitong paraan: "Huwag kayong gumawa ng anuman dahil sa paghahangad ninyong maging tanyag; sa halip, bilang tanda ng pagpapakumbaba, ituring ninyong higit ang iba kaysa inyong mga sarili. Pagmalasakitan ninyo ang kapakanan ng iba, at hindi lamang ang sa inyong sarili."
Habang pinag-iisipan mo kung paano mong ginugugol ang iyong oras, nabitag ka na ba sa pag-iisip na ang iyong pagkakakilanlan ay di-tiyak, depende sa panlabas, o kakaunti?
Kung gayon, paano ka makapagsisimulang mag-iba ng pag-iisip patungkol sa iyong pagkakakilanlan at magsimulang gumawa ng mga pagpili pagdating sa iyong oras mula sa lugar ng kapanatagan sa Diyos?
Tungkol sa Gabay na ito
![Divine Time Management](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F14897%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Ang nakagawiang pamamahala ng oras ay maaaring makapagdulot ng kapaguran kapag ang layunin ay ang "makontrol" ang buhay sa pamamagitan ng ating sariling lakas at pagdidisiplina sa sarili. Ngunit sinasabi sa atin ng Biblia na tumatanggap tayo ng kapayapaan at kapahingahan kapag ipinagkakatiwala natin sa Diyos ang ating oras. Sa 6-araw na gabay na ito, matututunan mo kung paanong ang pamamahala ng oras na nakasentro sa Diyos ay magdadala sa atin sa pagtanggap ng lahat ng kabutihang inihanda Niya para sa iyo, kasama na ang Kanyang kagalakan at kapayapaan.
More