DIYOS + MGA LAYUNIN: Paano Magtakda ng Mga Layunin Bilang Isang CristianoHalimbawa
ARAW 4: Paano ko makakamit ang aking mga layunin habang sumusunod sa kagustuhan ng Diyos?
Nakatayo ka sa panimulang linya, gusto mong abutin ang mga layunin para sa iyo ng Diyos, at.... ikaw ay natatakot. Natatakot ka na kumilos para sa mga layuning iyon, masyadong nakatuon sa pagkakamit nito at tuluyan nang nalimutan ang Diyos sa proseso. Paano mo mapapanatili ang pokus sa Diyos habang inaabot mo ang iyong mga layunin?
Unang-una, ang tamang layunin ay dadalhin ka sa Kanyang landas, sa Kanyang pamamaraan, at hindi palayo sa Kanya.
Ikalawa, hindi ka magtatakda ng isang layunin at magpadausdos na lang mula doon. Gusto ng Diyos na manatili kang konektado sa Kanya sa bawat hakbang mo, at gagabayan ka Niya. Sa huli, Siya nag iyong layunin. Ang pagsunod sa mga hangarin Niya para sa atin ay parang pagsunod sa mapa na Kanyang ginawa. Alam Niya ang daan.
Tulad ng ginagawa mo sa isang mahabang biyahe, lagi mong tingnan ang mapa upang makasiguro na papunta ka sa tamang direksyon. Kung mawawala ka sa plano, maaaring matagpuan mo na lang ang sarili mo sa isang kalyeng di mo alam. Ngunit, tingnan mo ulit ang mapa at makakabalik ka ulit sa tamang direksyon! Hindi iniisip ng Diyos kung perpekto man o hindi ang iyong pag-abot sa iyong layunin; hangad Niya ang iyong puso. At bawat hakbang, sa bawat dasal, sa bawat sandali na hanapin mo Siya, ikaw ay mananatili sa tamang landas. Ang pakikipag-ugnayan sa Kanya ay pagpapahintulot sa Kanyang gabayan ka.
Manalangin tayo: Panginoon, natatakot akong tumahak sa landas na hindi Mo inilaan para sa akin. Pakiusap, bigyan Mo ako hindi ng espiritu ng takot, kundi ng kapangyarihan, pagmamahal at disiplina sa sarili (2 Timoteo 1:7). Salamat sa Iyong mapa—sa Iyong Salita—at sa kakayahang manalangin nang direkta sa Iyo! Tulungan Mo po akong panatilihin ang aking pokus sa Iyo bilang aking layunin sa halip na pagtanggap sa akin ng iba, karangalan o ang kasiyahan sa pagkamit ng mga materyal na bagay mula sa isang listahan. Gusto kong magsikap para sa Iyo para sa mga tamang dahilan. Salamat sa Iyong pag-gabay at pagpapanatili sa akin sa landas mo! Sa ngalan ni Jesus. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Mainam bang magtakda ng mga layunin bilang isang Cristiano? Paano mo malalaman kung ang isang layunin ay mula sa Diyos o sa iyong sarili? At ano nga ba ang hitsura ng mga layunin ng Cristiano? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, magsasaliksik ka sa Banal na Salita at makakahanap ng kalinawan at direksyon sa pagtatakda ng mga layunin na pinalakas ng biyaya!
More