Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Be a Peacemaker (PH)Halimbawa

Be a Peacemaker (PH)

ARAW 2 NG 5

Find Peace


Alam mo ba na gusto ni Lord na lagi tayong nakakausap? Gusto Niya na nagagabayan Niya tayo sa mga ginagawa natin araw araw. Minsan or madalas pa nga may biglaan nalang irereveal si Lord na mangangailangan ng obedience natin. 


Isa sa mga team members naming sa yesHEis ay nag -share ng experience niya habang nag memeditate sa scriptire. Tinanong niya si Lord, “I want to eat from your tree of life, is there anything standing in the way?” 


At ito na nga ang mga sumunod na nangyari:


“Bigla kong naalala ‘yung maling ginawa ko 19 years ago! Nagulat talaga ‘ko, pero the memory hit home with me, at alam ko kailangan kong mag-take ng step para itama eh. Kaya ayun, I made a phone call sa araw din na ‘yon, at mas kinagulat ko na nakatanggap din ako ng apology pabalik galling sa kausap ko sa kabilang linya. Grabe, para akong nabunutan ng tinik! Hindi follower ni Christ ‘yung friend ko, pero nakapag repent at pray ako together with the person para magkaroon ng change at transformation. Sobrang nakaka-amaze ‘yung openness ng conversation at ang haba ng pinag-usapan naming tungkol sa peace na kay Jesus lang manggagaling. Hindi lang puso ko napalagay nang araw na ‘yun, pati na rin ang kaibigan ko.”


Sa mga ganitong klaseng pagkakataon madalas sa worldy perspective hindi nalang papansinin kasi nga, “past is past”. Pero si Jesus ay may pangako na gagabay tayo ni Holy Spirit sa lahat ng katotohanan (John 14:15-27). Sabi nga ni Lord Jesus, “Peace I leave wth you; my peace I give you.”


Ba’t di mo i-try ngayon na tanungin si Lord kung anong mga bagay ba ang humahadlang sa iyo ngayon?

Banal na Kasulatan

Araw 1Araw 3

Tungkol sa Gabay na ito

Be a Peacemaker (PH)

Ang pagiging isang peacekeeper ay hindi nakapagdadala sa atin ng totoong kapayapaan dahil ang peacekeepers ay nagbibigay ng false sense of peace via avoidance. Subalit, bilang isang Kristiyano, meron kang ultimate connection sa totong kapayaan, which is Jesus. Ikaw ay isang peacemaker - ang tulay sa pagitan ni Jesus at ang mga kaibigan at pamilya mo! May abilidad kang wasakin ang conflict at i-reconcile ang mga tao kay Jesus! Alamin ang iba't ibang strategy para dito in our Peacemakers Bible Plan today!

More

Nais naming pasalamatan ang yesHEis sa pagbibigay ng planong ito. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang: https://www.yesheis.com/