Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pamimilit ng BarkadaHalimbawa

Peer Pressure

ARAW 1 NG 7

Kung ang nakararami ay gumagawa ng mali, huwag makisali. Napakadaling sabihin ngunit mahirap gawin ang mga katagang ito hindi ba? Ang pakikisama ay napakalaking bagay sa marami sa atin, ngunit ito rin ay may malaking impluwensya sa kung paano tayo mamumuhay. Halimbawa na lamang sa mga estudyante - hindi madaling panindigan ang paniniwala at mamuhay mag-isa lalo't alam mong mawawalan ka ng mga kaibigan. Ang sino mang itinuturing kaibigan na nagdudulot ng pagtalikod mo sa iyong tamang paniniwala ay marahil hindi totoong kaibigan na katulad na iyong iniisip. Ang pagharap sa impluwensya ng pakikisama ay pagkakaroon ng abilidad na gawin ang tama kahit na ito ay hindi tanggap ng nakararami. Ang mahalaga dito ay malaman ang iyong pamantayan at limitasyon bago pa man mangyari ang mga sitwasyong susukat ng iyong katatagan habang nakikisama o nakikihalobilo sa iba. Nakapahirap gumawa ng tamang desisyon sa gitna ng ganitong sitwasyon. Nais mo bang malaman ang sinasabi ng Dios hinggil sa impluwensya ng pakikisama. Alamin sa Linggong ito!

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Peer Pressure

Ang panggigipit ng kasamahan ay maaaring isang malaking bagay, ngunit ito ay maaari ring maging nakasisindak na katotohanan. Tinawag tayo ng Diyos upang mamuhay nang tapat sa Kanya - kaya't ang makilala at maunawaan ang mga pamantayan Niya ay higit na mahalaga. Sa pitong-araw na gabay na ito, makakatagpo ka ng kalakasan upang harapin ang mga panggigipit at gumawa ng matatalinong pagpili sa buong buhay mo.

More

We would like to thank Life.Church for providing this plan. For more information, please visit: www.life.church