Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Pinili: Paalalahanan ang Iyong Sarili Tungkol sa Ebanghelyo Araw-arawHalimbawa

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

ARAW 1 NG 7

Anong mangyayari kung sa paggising mo araw-araw ay paaalalahanan mo ang sarili mo tungkol sa Ebanghelyo? 

Kung ikaw ay katulad ko, matutukso kang ipagwalang-bahala ang Ebanghelyo at ihinto ang pagsasanay dito dahil naging pangkaraniwan na ito. Itinatago natin ito sa ating nakalipas na kasaysayan at hindi natin namamalayang naiiwan na natin ito. Ngunit kailangan nating marinig ang Ebanghelyo ngayon kagaya noong marinig natin ito sa unang pagkakataon. 

Kung paaalalahanan natin ang ating mga sarili patungkol sa Ebanghelyo tuwing umaga, gigising at mabubuhay tayong may kagalakang taglay ang pasasalamat dahil ang pinakamatinding digmaang ating haharapin ngayon ay napagtagumpayan na natin. 

Anong magiging kaibahan ng ating buhay kung lagi nating ipangangaral ang Ebanghelyo sa ating puso? 

Napakaraming paraan kung paanong ang Ebanghelyo ay magkakaroon ng mabuting epekto at siyang huhubog sa ating pang-araw-araw na buhay. Lahat tayo ay nangangailangan ng palagiang pagpapaalala tungkol sa mga kapakinabangang ito, at kailangan natin ang kapangyarihan ng Diyos upang lalo pa itong maunawaan. 

Napakaraming mga mananampalataya ang iniisip na ang mabuting balita ay lumang balita na. Hindi pa natin naririnig ang Ebanghelyo ng sobra-sobra; hindi pa nga sapat ang pagdinig natin dito. Tulad ng napakaraming bahagi ng isang magandang diamante, ang Ebanghelyo ay may walang hanggang kagandahang hindi kailanman mauubos. Habang patuloy nating binabasa ang Ebanghelyo, lalong lumalakas at nasisiyahan tayo sa ating pananampalataya. 

Kailangan natin ng palagiang paalala kung anong ginawa ng Diyos para sa atin sa Ebanghelyo, dahil ito ang nagpapaningas at naggaganyak sa ating pagnanasang sumunod sa Diyos at paglingkuran Siya. Kapag nakita natin kung gaano kalaki ang ginawa Niya para sa atin—kung gaano kalaki ang naibigay Niya sa atin sa pamamagitan ng Kanyang Anak—hindi natin maiiwasang hindi mabago at mahikayat na ibigay ang ating buong buhay sa Kanya. At kahit na noong tayo ay mahina at walang kakayahang makasalanan na nagsusumikap upang sumunod sa isang perpektong Tagapagligtas, pinaaalalahanan tayo ng Ebanghelyo kung gaano tayo ay minamahal at kung paanong gumagawa ang Diyos sa atin upang matulungan tayong sumunod sa Kanya. 

Wala nang hihigit pang pangangailangan sa iyong buhay Cristiano kaysa sa palagiang pagpapaalala sa iyong puso ng katotohanan ng Ebanghelyo. 

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Chosen: Remind Yourself Of The Gospel Everyday

Anong mangyayari kung sa paggising mo araw-araw ay paaalalahanan mo ang sarili mo tungkol sa Ebanghelyo? Ang 7-araw na debosyonal na ito ay naglalayong tulungan kang gawin ito! Ang Ebanghelyo ay hindi lamang nagliligtas sa atin, inaalalayan din tayo nito sa buong buhay natin. Ang May-akda at Ebanghelistang si Matt Brown ay binuo ang babasahing gabay na ito batay sa 30-araw na debosyonal na aklat na isinulat nina Matt Brown at Ryan Skoog.

More

Nais naming pasalamatan ang Think Eternity sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring bisitahin ang: https://www.thinke.org