Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Ang TsismisHalimbawa

Gossip

ARAW 1 NG 14

Ang mga labing walang pagpipigil ang nagpapalubog sa barko. Nagbigti sa pamamagitan ng dila. Buksan ang bibig; ipasok ang paa. Maraming mga parirala na naglalarawan sa mga panganib ng kawalan ng kontrol ng iyong bibig at ng mga bagay na iyong sinasabi. Ang tsismis ay walang kinaibahan. Ang tsismis ay isa sa mga bagay na napakadaling bigyang-katwiran lalo na kung nasaktan tayo. Narito ang dalawang pangunahing mga prinsipyo para sa tsismis: Ang mga taong nakikipagtsismisan sa iyo ay tsi-tsismis din tungkol sa iyo. At, kung hindi ka bahagi ng solusyon, hindi ka dapat magsalita. Talaga bang nababahala ang Dios tungkol sa tsismis? Talaga bang nagmamalasakit Siya sa ating sinasabi? Tingnan ang Salita ng Dios upang malaman kung paano gamitin ang iyong mga salita!

Banal na Kasulatan

Araw 2

Tungkol sa Gabay na ito

Gossip

Ang mga salitang ginagamit namin ay may napakalaking kapangyarihan upang magtayo at magwasak. Ang tsismis ay lalong nakakalason. Ano kaya ang papel na ginagampanan ng mga salita sa iyong buhay - upang magdala ng buhay o upang sirain ang iba? Ang pitong araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo na maunawaan na sinisiryoso ng Dios kung ano ang lumalabas sa ating mga bibig. Manahimik at pakinggan lamang kung ano ang sasabihin Niya. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church

More

Ang babasahing gabay na ito ay mula sa Life.Church