Paggawa ng EspasyoHalimbawa
![Making Space](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12272%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Pagkakaibigan
Ngayong araw ay magpo-pokus tayo sa katauhan at pagkakaibigan ni Jesus, katulad ng ipinakita sa Kanyang huling hapunan kasama ang kanyang mga disipulo bago ang kanyang kamatayan. Sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagtingin kay Jesus at sa Kanyang mga salita sa John 15:12-17, makikita natin pareho ang ating pagkakakilanlan kay Cristo at ang ating pagkatawag upang pagyamanin ang mapag-mahal na pagkakaibigan.
Ang relasyon ni Jesus sa mga disipulo ay nagpapakita ng daan at karunungan ng pagkakaibigan. Kahit na pa si Jesus, na isang Diyos, ay hindi inilayo nag Kanyang sarili ngunit naghanap ng mga kaibigan. Kahit na pa si Jesus na isang Mesiyas, ay hinanap nag tulong galing sa mga kaibigan. Sa paglipas ng mga taon, nag-gugol si Jesus ng hindi mabilang na mga pagkain, mga paglalakad, mga pagtatrabaho, at maging mga kasiyahan kasama ang kanyang mga disipulo. Sa pagtatapos ng kanyang buhay, tinawag Niya ang mga ito na Kanyang mga kaibigan at sinabi na handang mamatay para sa kanila.
Kay Cristo hindi na tayo mga kalaban ng Diyos o alipin ng mga kasalanan; kaibigan na tayo ng Diyos. Hindi na tayo kailangan pang sumigaw para mapatunayan ang ating mga sarili, mapansin, o mabuhay sa takot. Ginawa na tayong kaibigan ng Diyos. Kung gusto mo magkaroon ng tunay na kaibigan, kailangan mo muna malaman ang tunay na pagkakaibigan kasama ang Diyos sa pamamagitan ng krus ni Jesu-Cristo. Pinatawad ka Niya sa iyong mga kasalanan, pinalaya sa iyong mga kapaitan, pinagaling ang mga sugat ng iyong nakaraan, at ibinigay sa iyo ang pagmamahal ng Diyos para maging kaibigan. Walang ibang paraan para mangyari ang tunay na pagkakaibigan.
Ang bagong kautusan na ibinigay sa atin ni Jesus ay ang mahalin ang ating kapwa katulad ng pagmamahal sa atin ni Cristo (tignan v. 12). Gusto Niyang hanapin natin ang pagkakaibigan at pagkaka-isa sa bawat isa sa paraan na malalaman ng buong mundo na kaibigan na tayo ngayon ni Jesus. Ang pagpapatawad ay mahalagang elemento ng pagkakaibigan ni Jesus sa atin. Kapag nagmahal tayo tulad ng pagmamahal ni Jesus at maging kaibigan tulad ng pagiging kaibigan ni Jesus, magpapatawad din tayo katulad ng pagpapatawad sa atin ni Jesus.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
![Making Space](/_next/image?url=https%3A%2F%2Fimageproxy.youversionapi.com%2Fhttps%3A%2F%2Fs3.amazonaws.com%2Fyvplans%2F12272%2F1280x720.jpg&w=3840&q=75)
Sa abalang mundo, kailangan natin gumawa ng espasyo para sa mga bagay na tunay nag mahalaga. Dapat natin matutunan na ipamuhay ang makadiyos na karunungan na makakatulong sa iyo na maisama ang mga aktibidad na ito sa iyong abalang buhay. Sa ibang kaso, makikita mo na mali ang mga bagay na ginagawa mo. O makikita mo na ginagawa mo ang mga tamang bagay sa maling rason o sa mga maling pamamaraan, kaya hindi sila nagbibigay buhay o katuparan.
More