Mga Relasyong BampiraHalimbawa
Paano Kumilos Ang Diyos
Alam mo ba kung paano makakatulong ang pagsingkit ng iyong mga mata upang mas makita mo ang mga kapansin pansin na linya at dibuho sa isang bagay? Yung iba naman, ito ang tanging paraan upang mabasa nila ang mga maliliit na letra!
Marahang isingkit ang iyong mga mata at subukan mong tingnan ang lahat ng kasaysayan ng ilang segundo. Ang isang debuho ay nagiging maliwanag. Ang Diyos ay kumikilos sa pamamagitan ng mga tao. Tingnan mo pa ng mas matagal at magsisimula mong makita ang bawat detalye ng linya na kumokonekta sa lahat ng Tao, ang salita:mga pakikipag-ugnayan.
Isipin mo ito. Paano nag-alok ng kaligtasan ang Diyos sa bawat buhay na nilalang? Sa pamamagitan ng pagpapadala sa pinakamalapit sa kanyang puso (Ang kanyang Anak) bilang isang tao. Paano natin Siya tatanggapin? Sa pamamagitan ng pagpasok sa isang katiwa-tiwalang pakikipag-ugnayan sa Kanya.
Muli mong isingkit ang iyong mga Mata at muling balikan ang pagkasira ng iyong buhay, sa kultura, sa iyong komunidad, sa iyong pamilya. Ano ang sumira sa isang matibay na pundasyon? Ano ang mas naghihirap? Marahil ang pakikipag-ugnayan.
Ang pakikipag-ugnayan ay ang madalas na taga tanggap at ang sangkap sa magandang-gawa ng kapangyarihan ng Diyos.
Sa mga susunod na mga araw, umpisahan nating tingnan ang magpapagaling sa ating mga pakikipag-ugnayan, dahil kung alin ang hinihigop palabas sa iyong buhay ang siyang hinihinga pabalik upang magkaroon ng bagong buhay sa iyong kalooban, sa gayon, tinatapik Mo ang magandang-gawa ng kapangyarihan ng Diyos!
Maaari mo ng itigil ang pagsingkit ng iyong mga mata. Ipahinga ang iyong mga kilay. Huminga ng mapayapa, at ihanda ang iyong sarili na tumanggap ng magandang katotohanan sa iyong buhay mula sa Diyos.
Panalangin: Panginoon, Iniimbitahan Kita na pagalingin Mo ang mga nasirang relasyon sa aking buhay. Ipakita mo sa akin kung kelan ko pinahintulutang itrato ako ng hindi maganda ng ibang tao, at ipakita mo rin kung kelan ako nakapanakit ng ibang tao. Amen.
Tungkol sa Gabay na ito
Sinasaid nila ang iyong kagalakan, kinakain ang iyong oras, at sinisira ang iyong plano-ngunit may isang mas magandang paraan ng pagtingin sa mga taong mahirap pakisamahan. Alamin kung paano mahihilom ang mga relasyon na sumisipsip ng ating buhay. Paghandaan na gawin ng Diyos ang Kanyang gawaing nagbibigay ng buhay sa pag-uumpisa mo sa bagong Gabay sa Biblia ng Life.Church kasama ng serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel, Mga Relasyong Bampira.
More