Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Paano Mailalaan ang Pagtatalik para sa Kasal?Halimbawa

How to Save Sex for Marriage?

ARAW 3 NG 3

MGA ILANG MABUBUTING DAHILAN PARA SABIHIN NA "HINTAY"

Kung ikaw ay nag-aalinlangan sa mga kabutihang dulot ng paglalaan ng pagtatalik para sa kasal, payagan mo kaming magbigay ng buod ng ilang mga bagong kapasiyahan. Alam mo bang mula sa isang pagsisiyasat kamakailan ay natagpuan na ang pinakamataas na antas ng sekswal na kasiyahan ay naiuugnay sa pag-aasawa at tradisyonal na sekswal na etika? 

Iyon ay, ang mga taong malamang na magsabing sila ay lubos na nasisiyahan sa kanilang kasalukuyang sekswal na buhay ay hindi ang mga walang kapareha na malayang nagagawa ang isang sekswal na pakikipagtagpo, kundi ang mga mag-asawa na "lubos" na naniniwala na ang pagtatalik sa labas ng kasal ay mali. Sa katunayan, ang mga "tradisyunalista" ay may tatlumpu't-isang porsyentong puntos na mas mataas sa kanilang antas ng sekswal na kasiyahan kaysa sa mga walang asawa na walang pagtutol sa pakikipagatalik sa labas ng pag-aasawa. Ang mga napag-alaman ay nag-aambag sa isang lumalagong katawan ng pananaliksik na nag-uugnay sa sekswal na kasiyahan ng pagkakaisa sa pag-aasawa, katapatan, at pamamalagi.

Nalaman ng mga mananaliksik na hindi lamang mas mabuti ang pagtatalik sa mga mag-asawa, ngunit pinakamainam kung mayroon kang iisang sekswal na kapareha lamang sa panghabang-buhay. 

"Ang pisikal at emosyonal na kasiyahan ay nagsisimulang bumaba kapag ang mga tao ay may higit sa isang katalik," ayon mga mananaliksik. Ang isang pag-aaral sa Unibersidad ng South Carolina ay nagsiwalat na ang mga taong nagkakaroon ng mga pakikipagtalik bago ang kasal ay mas malamang na masangkot sa pakikipag-unayan sa mga may asawa sa sandaling sila ay ikinasal. Si David Larson, isang matagal nang mananaliksik sa National Institute of Health, sa isang pagsusuri ng mga umiiral na pananaliksik ay ibinuod ito sa ganitong pamamaraan: "Ang mga mag-asawa na hindi nasangkot bago ang kasal at matapat sa panahon ng pag-aasawa ay mas nasisiyahan sa kanilang kasalukuyang sekswal na buhay at pati na rin sa kanilang mga buhay may-asawa kumpara sa mga nagkaroon ng pakikipagtalik bago ang kasal.”

At alam mo ba na ipinahayag ng pananaliksik mula sa Washington State University na, "Ang mga nagsasama nang hindi kasal kumpara sa mga mag-asawa ay may hindi gaanong malusog na relasyon"? Ipinaliwanag ng mga mananaliksik sa UCLA na "ang mga nagsasama nang hindi kasal ay nakararanas ng higit na kahirapan sa [subsequent] pag-aasawa pagdating sa pangangalunya ... kaysa - sa mga magkapareha na hindi nagsama bago sila ikinasal. " Sa katunayan, ang pag-aasawa na naunang nagsama bago sila ikinasal ay may limampung porsyento na mas malamang na masira kaysa sa mga pag-aasawa kung saan ang mga mag-asawa na hindi nagkaroon ng pagsasama bago ikinasal.

Malinaw na ipinakita sa mga pananaliksik, na ang pagpipigil, ay nagpapatibay ng pagmamahal. Ngunit matagal na bago pa ang mga pag-aaral at istatistika ay naituro na ang mga praktikal na dahilan para sa paglalaan ng pagtatalik para sa kasal, sinubukan ng biblikal na karunungan na patnubayan tayo ng malinaw sa emosyonal na mga kahihinatnan ng pagkakaroon ng mas-maagang-pakikipagtalik (tingnan sa 1 Mga Taga-Corinto 7:1-2; 1 Mga Taga-Tesalonica 4:3-7; Hebreo 13:4; Mateo 15:18-20; Efeso 5: 3; at 1 Mga Taga-Corinto 6: 9). 

Hindi sinasabi ng Biblia na mali ang pagtatalik bago ang pag-aasawa upang subukan lamang ang ating disiplina sa sarili. Madalas nating itinuturing ang mga alituntunin ng Diyos bilang isang talaan ng mga patakaran na itinakda upang masubukan ang ating pagpapasiya. Sinasabi ng Biblia na ang pakikipagtalik bago ang pag-aasawa ay mali para sa ating sariling proteksyon, dahil ang pagtatalik sa pinadaling panahon ay tiyak na makakasakit sa atin. Tanungin ang sinumang nakipaghiwalay na sa isang taong nakasiping na nila. Tatlong kadahilanan: Pagsasaliksik, mapagmahal na utos ng Diyos, at ang posibleng pagdudulot ng personal na kalungkutan. Ang bawat isa sa mga ito ay sapat na dapat na dahilan upang sabihin na maghintay.

Nag-aalala ka ba tungkol sa paghihintay? Ang Diyos ay hindi. Kinikilala Niya kung gaano kahirap labanan ang mga tukso at nais Niyang bigyan ka ng daan palabas. 

Alalahanin, hindi inaasahan ng Diyos na ikaw ay maging tapat sa Kanya nang hindi Siya unang naging tapat sa iyo!

...Ang Diyos ay tapat, at hindi ka niya hahayaang subukin ng higit pa sa iyong makakaya, ngunit sa tukso ay magbibigay din siya ng daan palabas, upang magawa mong matiis ito

1 Mga Taga-Corinto 10:13, ang pagbibigay-diin ay akin

Hilingin sa iyong tapat na Diyos na tulungan kang maging tapat upang mailaan ang iyong sarili sa pag-aasawa. Pinapatunayan ng katibayan na ang Kanyang pinakamahusay ay walang katumbas na halaga. 

Tungkol sa Gabay na ito

How to Save Sex for Marriage?

Sa tuwing may nagtatanong sa atin kung naniniwala tayo sa pakikipagtalik nang hindi kasal ay sumasagot tayo ng "oo at hindi." Ito ay isang nakalilitong sagot sa simula, ngunit nagbibigay ito sa atin ng pagkakataon upang magbigay ng mahalagang punto. Pinagtitibay ng Diyos ang ating seksuwalidad bilang tao at hindi tayo maaaring biglang maging aseksuwal. Dahilan dito, naniniwala tayo sa seksuwalidad nang hindi kasal. Ngunit, mabilis natin itong dinadagdagan, sa pagsasabing ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay malinaw na hindi naaayon sa prinsipyo ng Diyos. 

More

Nais naming pasalamatan ang Les Parrott para sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdagang impormasyon, maaaring pumunta sa: http://www.SYMBIS.com