Hindi inaakalaHalimbawa
Hindi ko inaasahan nang malaman ko na ako ay may kanser sa Thyroid. Ngunit habang ako ay nagmumuni muni, naisip ko kung titigil tayo at pag-isipan ito, bawat araw ay puno ng di-inaasahang pangyayari. Ginagawa natin ang aming mga Listahan ng mga "Gawain". Nagiisip tayo kung ang ating araw ay aayon sa aming mga plano. Ngunit ito ay hindi, dahil ang mga hindi inaasaahang pangyayari ay dumarating sa ating buhay at nagpapatuloy.
Ngunit nakakagulat na ang hindi nating inaasahang pangyayari ay nakakaapekto sa atin, samakatuwid ang hindi inaasahang pangyayari ay inaasahan ng ating Panginoon. Alam ng Diyos na ang araw na iyon ay darating sa aking buhay, at inaasahan nya ako sa araw na iyon. Nakakaramdam ako ng takot tuwing ako ay nakakatangap ng masamang balita, ngunit alam ko na hindi ako dapat magpasukol dito.
Alam kong hindi dapat maglakbay ang aking isipan, hindi ko dapat isipin masyado si Nick ang aming mga anak na babae at sa hindi malamang hinaharap, kung ako ay mabubuhay o mamatay, kung ito ay nalulunasan o hindi. Alam ko na ang tumatakbong isipan sa aking utak ay maaring magdala sa akin sa maling Tahakin at madilim na lugar. Alam ko na kailangan kong manalig. Tulad ng maraming mga sitwasyon na aking naranasan, alam kong mayroong mga desisyon na kailangan kong gawin: Maglakad ba ako sa takot o manampalataya?
Ang aking pananampalataya ang palaging nagpapalakas sa akin sa aking kalagayan, kaya pinili kong manalig. Gayunman, hindi ito nangangahulugan na hindi na nawala ang aking takot. Natutukso pa rin ako, ngunit alam ko na ang pagkatukso sa takot ay hindi katulad ng pagpapatalo dito at ang paglaban sa takot ay ang tanging paraan upang makawala ako sa pagkakagapos nito
Nagsimula akong lumakad sa pananampalataya sa pamamagitan ng pagtatagpo ng aking sarili sa tinatawag kong "matibay na pananampalataya." Kapag ako ay patuloy na nagpasiya na manatiling masigasig sa salita, patuloy na pakikinig sa mga awit ng papuri, at payagan lamang ang mga tinig na puspos ng spirito ng Diyos na magsalita sa aking buhay tungkol sa mga partikular na sitwasyon. Alam kong maging mapagmasid sa aking pananalita. Natutunan ko na alin man sa takot o pananalig ang aming hikayatin, at mayroon akong kapangyarihan na piliin kung alin man ang pipiliin ko-kaya pinili ko na manalig. Tumakbo ako sa Panginoon at hindi malayo sa Diyos. Nakipaglaban ako ng mabuti.
Maaari kang magbulabulay sa mensaheng ito ng may kapayapaan at ibigay ang buong tiwala sa Diyos kapag ikaw ay humarap sa matinding pagsubok sa pinakabagong aklat ni Christine, inaasahang. Matuto nang higit pa tungkol dito dito.
Inangkop mula sa inaasahang: Iwanan ang Takot, Lumago sa pananampalataya, Tangapin ang mga pagsubok ni Christine Caine. Copyright © 2018 ni Christine Caine. Muling nalathala na may pahintulot ng Zondervan Publishing. Ang karapatang maglathala ay mula lamang sa
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito
Oras na upang iwaksi ang takot, sumulong sa pananampalataya, at yakapin ang pakikipagsapalaran. Sa pamamagitan nitong 14-araw na babasahing gabay, mapapatibay mo ang iyong pananampalataya sa isang mabuting Diyos at matututunan mong mamuhay sa maligayang kalayaan ng buong pagtitiwala sa Kanya maging sa harap ng mga hindi inaasahang pangyayari.
More