Pakiramdam Ko'y Hindi Ako Sapat Ni Pete BriscoeHalimbawa

Tumatakbo patungo sa kakulangan
Ang tanging paraan upang matuklasan ang mga limitasyon ng posible ay ang pakikipagsapalaran sa kaunting paraan na lampasan ang mga ito... –Arthur C. Clarke
Ikaw ba ay isang mananakbo? Hindi mananakbo sa half marathon o sa isang marathon ang ibig kong sabihin. Sa halip, ikaw ba ay isang tao na tumatakbo mula sa kaunting pakiramdam ng kakulangan?
Maraming taon na ang nakalilipas, hiniling sa akin na magpakita ng isang dramatikong monologo sa isang kaganapan para sa Campus Crusade. Ilang oras akong naghanda para sa aking dalawang oras na solong pagtatanghal. At nang sumapit ang gabi, kami ni Libby ay nakaupo sa unahan, nakikisaya sa programa, at naghihintay ng aking hudyat. Nang ako na ang aakyat sa entablado, inanunsyo ng emcee sa mga manonood, “May sorpresa kami para sa inyo!” Si Vonette Bright, ang asawa ng tagapagtatag ng Campus Crusade, ay nasa telepono.
Habang nakabukas ang mga loudspeaker, inihayag ni Vonette na ang kanyang asawa, si Bill, ay inaasahang mamatay nang gabing iyon. Nagkaroon ng katahimikan sa silid at mga luha sa pisngi habang ang lahat ay nakikinig sa ibinahagi ni Vonette na kuwento ni Bill.
Pagkatapos ay oras na para umakyat ng entablado. Bago bumukas ang mga ilaw, pinupunasan ko ang aking mga luha at iniisip ang matinding sandali na pinagsaluhan naming lahat. Nakatakda akong tumayo sa entablado sa susunod na dalawang oras, at wala akong maalala kahit isang linya.
Masakit na malaman ang aking mga limitasyon, at pinag-isipan kong bumaba ng entablado bago pa ang takdang oras ko.
Ang kakulangan ay isang pakikibaka. Maaari tayong iparalisa o kutyain nito. Gusto nating tumakas o huwag pansinin ang kahilingan – kumbinsidong mali ang taong nasa isip ng Diyos para sa trabaho.
Eto ang katanungan: Talaga bang hinihingi ng Diyos sa mga taong gumawa ng mga bagay na higit sa kanilang kakayahan?
Ang sagot ng Lucas 9 ay, "Oo naman."
Ang mga alagad ni Jesus ay kababalik lamang mula sa kanilang unang paghayo - ang pagpapalayas ng mga demonyo at pagpapagaling ng mga sakit - at inanyayahan sila ni Jesus na magpahingang kasama Niya. Ngunit sumunod ang mga tao, at sa halip na pauwiin sila, tinanggap sila ni Jesus at nagturo hanggang sa oras ng hapunan.
Ang Labindalawa ay lumapit kay [Jesus] at nagsabi, “Paalisin na po ninyo ang mga tao upang makahanap sila ng makakain at matutuluyan…"
Ngunit sinabi Niya, “Kayo ang magbigay sa kanila ng makakain.”
"Wala po tayong pagkain kundi lilimang tinapay at dadalawang isda…" (Lucas 9:12-13)
Si Jesus ay may mga mata upang makita ang libu-libong nagugutom na mga tao. Alam Niyang kulang ang pagkain. Ngunit hiniling Niya sa mga alagad Niyang na pakainin pa rin sila.
Bakit?
Panginoon, posibleng ang pagtutok sa sarili kong mga limitasyon ay nagnakaw ng mahahalagang sandali ng pagsamba. Sa halip na makinig sa isang tinig ng pagkamuhi sa sarili, palakasin sa loob ko ang isang tinig ng papuri para sa Iyo at sa paraan na gusto Ninyong makipagtuwang sa akin. Amen.
Banal na Kasulatan
Tungkol sa Gabay na ito

Pakiramdam mo ba ay hindi ka karapat-dapat para sa ipinagagawa sa iyo ng Diyos? Ito ba ay isang bagay na higit sa iyong mga talento, kakayahan o hanay ng kasanayan? Sa 5-araw na gabay sa pagbabasang ito, ibinabahagi ni Pete Briscoe kung paanong ang ating mga limitasyon sa lupa ay hindi kailanman humahadlang sa nais ng Diyos na maisakatuparan sa pamamagitan natin. Makakaasa tayo na kung tinawag tayo ng Diyos—ihahanda Niya tayo.
More