Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

Krus at KoronaHalimbawa

Cross & Crown

ARAW 4 NG 7

Pagpapabanal at Paglapit sa Diyos

Sa sandali ng kaligtasan, nilinis ka ng dugo ni Jesus sa pamamagitan ng paglalapat nito sa iyong buhay (Mga Hebreo 13:12). Ibig sabihi'y ibinukod ka na bilang anak ng Diyos upang mamuhay para sa Kanya simula sa araw na iyon. Ang pinakamainam para sa akin na paglalarawan sa paglilinis ay ang ihambing ito sa isang tuldok na nasa sa dulo ng isang pangyayari. Naligtas ka, natubos, nabigyang katuwiran, naipagkasundo, at nalinis, tuldok. Ngunit ang tuldok na ito'y hindi natatapos. Ito'y nagiging isang linya na nagpapatuloy sa buong buhay mo.

Ang Paglilinis ay proseso kung saan ang Diyos ay patuloy na binabago ang Kanyang mga anak hanggang sa maging kawangis ni Jesu-Cristo. Ang kabuuan ng Cristianong pamumuhay ay nasa linyang iyon; patuloy lamang na humahaba habang tayo'y lumalago sa kabanalan, pagsunod, at pag-unawa. Ang Kaligtasan ay hindi ang katapusan kundi ang simula ng mga layunin ng Diyos para mga mananampalataya. Ang Kanyang hangad ay ang baguhin ang bawat bahagi ng ating buhay upang tayo'y maging mahahalagang mga lingkod at sugo ni Cristo sa isang ligaw na mundo.

Ang prosesong ito ay nagpapatuloy buong buhay sapagkat ang Banal na Espiritu ay naninirahan sa bawat mananampalataya, gumagabay at nagpapalakas sa bawat isa upang magpatuloy sa pagsulong. Hindi Niya tayo kailanman iiwan—palaging may iba pang hakbang na maaari nating gawin sa pag-unlad natin tungo sa pagiging katulad ni Cristo at mabungang paglilingkod sa Panginoon.

Ang susi sa pag-unlad na iyon ay ang kakayanang magkaroon ng lakas ng loob upang pumasok sa Banal na Lugar sa pamamagitan ng dugo ni Cristo. (Mga Hebreo 10:19-22). Sa Matandang Tipan, ang Banal ng mga Banal ay nasa pinakaloob na silid ng tabernakulo o templo kung saan ang Diyos ay nananahan sa taluktok ng arko ng pakikipagtipan. Ang pinakapunong pari lamang ang maaaring pumasok sa dakong iyon na pinakabanal na lugar, at maaari niya lamang gawin iyon isang beses isang taon upang magbayad sa kanyang kasalanan at ng buong bayan. Matapos niyang ihanda ang sarili sa sagradong rituwal, papasok siyang may dugo ng hayop upang ipandilig sa luklukan ng awa.

Ngayon, ang tanging kadahilanan kaya ang mga Cristiano ay nakalalapit sa Diyos ay dahil, sa espirituwal na pananalita, sila'y binalutan ng dugo ni Cristo. Nang ialay ni Cristo ang Kanyang buhay bilang handog para sa kasalanan ng mundo, ang tabing ng templo—na nagpahiwalay sa mga tao sa Diyos—ay nahati mula sa taas hanggang sa ilalim. Ang sobrenatural na pangyayaring ito ay nagpahiwatig ng pagtanggap ng Ama sa handog ni Cristo, kung saan nagbukas ang daan patungo sa Kanyang kaluwalhatian.

Dahil hindi tayo kailanman nakibahagi sa Lumang Tipan na sistema ng paghahandog, madalas nating binabalewala ang pagkalapit natin sa Diyos. Hindi na kailangan pang maghandog ng tupa kung nais nating pumunta sa Diyos. Bawat oras na pumasok tayo sa trono ng Ama sa pananalangin, ito'y parang si Jesus ay tumingin sa atin at nagsasabing, "Naririto ang isa sa mga Atin … ang dugo ay nailapat na."

Araw 3Araw 5

Tungkol sa Gabay na ito

Cross & Crown

Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagnilayan ni Dr. Charles Stanley ang tungkol sa mahalagang dugo ni Jesus, ang muling pagkabuhay, at ang handog ng walang hangganang buhay na tinamo Niya para sa iyong kapakanan. Samahan siya sa pag-aalala ng halagang binayaran ni Jesus at ipagdiwang ang lalim ng dakilang pag-ibig ng Ama.

More

Nais naming pasalamatan ang In Touch Ministries sa pagbibigay ng gabay na ito. Para sa karagdaganag impormasyon, bumisita sa: https://intouch.cc/yv-easter