Biblikal na Pag-aaral
Krus at Korona
Karamihan sa Bagong Tipan ay nasulat upang makilala natin si Jesu-Cristo, ang kaligtasang natamo Niya sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, at ang pangako ng Kanyang muling pagkabuhay. Sa debosyonal na ito, pinagnilayan ni Dr. Charles Stanley ang tungkol sa mahalagang dugo ni Jesus, ang muling pagkabuhay, at ang handog ng walang hangganang buhay na tinamo Niya para sa iyong kapakanan. Samahan siya sa pag-aalala ng halagang binayaran ni Jesus at ipagdiwang ang lalim ng dakilang pag-ibig ng Ama.
Ano ang Biblikal na Katarungan?
Nakatuon ang malaking pansin sa terminong katarungan ngayon, at tama lang naman. Ang katarungan ay kritikal sa pag-unlad ng isang lipunan. Ngunit maraming tao ang nagsasawalang-bahala nito dahil hindi nila ito nauunawaan. Gayunpaman, may tamang pananaw sa katarungang panlipunan na naglalayong protektahan ang indibidwal na kalayaan at itaguyod ang personal na pananagutan. Sa 4 na araw na babasahing gabay na ito, sisiyasatin ni Dr. Tony Evans ang tunay na biblikal na katarungan.
Ang Pinakamahusay na Pamumuhunan Mo!
Ang pagkamit ng isang pinagpala at masaganang pakinabang ay nagsisimula sa paggawa ng tamang pamumuhunan. Kung isa kang bagong Kristiyano, wala nang mas malaki pang pamumuhunan na maaari mong gawin sa iyong pananampalataya kaysa sa regular na pagkain ng Salita ng Diyos. Magsimula dito upang matulungan kang Basahin, Unawain at Ipamuhay ito nang epektibo araw-araw.
Ang Pitong Tungkulin Ng Banal na Espiritu
Sa pitong araw na debosyonal na ito batay sa aklat na Set My Heart on Fire ni J. Lee Grady, makikilala mo ang Banal na Espiritu, na kayang gawin ang lahat. Siya ang Espiritu ng Diyos. Walang limitasyong ang Kanyang kapangyarihan at karunungan, ngunit kusa Siyang naparito upang mamuhay sa sinumang taong naniniwala kay Jesu-Cristo.
Pagbabasa ng Kwento ng Diyos: Isang Taong Magkakasunod na Gabay
Nilikha ni Dr. George Guthrie, tinatalakay ng gabay na ito ang materyal ng Biblia at kronolohikal na iniayos ayon sa pagkakasunod. Dahil ang eksaktong pagsasaayos ayon sa petsa ng ilang mga materyales o mga kaganapan ay hindi posible, ang pagkakasunod-sunod ay kumakatawan lamang sa isang pagtatangka upang mabigyan ang mga mambabasa ng pangkalahatang daloy at pagpapaunlad ng dakilang kuwento ng Biblia. Ang ilang mga sipi ay inilagay ayon sa paksa (halimbawa, Juan 1: 1-3 sa Unang Linggo, Ikalawang Araw, at karamihan ng Mga Awit). Mayroong anim na pagbasa para sa bawat linggo upang magbigay ng palugit upang makahabol kung kinakailangan.
Crave
What are you really longing for? A twenty-two day journey to loving God's Word more created by Victory. The longest chapter in the Bible, Psalm 119, talks about the love for God's Word. Journey with us for twenty-two days and let us fall in love with God's Word even more. This daily devotional breaks Psalm 119 into bite-size pieces that are easy to think through and hopefully apply in our lives.
Ang Diyos Ay _______
Sino ang Diyos? Lahat tayo ay mayroong iba't-ibang kasagutan, ngunit paano natin malalaman ang totoo? Anuman ang iyong naging karanasan sa Diyos, sa mga Cristiano, o maging sa simbahan, ito na ang oras upang tuklasin ang Diyos para sa kung sino talaga Siya—tunay, buhay at handang katagpuin ka nasaan ka man. Gawin ang unang hakbang sa 6-na araw na Gabay sa Biblia kasama ang serye ng mensahe ni Pastor Craig Groeschel's, Ang Diyos ay _______.
Bro. Eddie Ministries Reading Plan: The Word Gives Hope
God uses our questions to make us know Him. I am convinced that none of the wisdom of this world could provide adequate answers to our questions. I believe that God reveals to us a better way of finding solutions to our problems and hope for our disquieted spirit. They are all ours for the asking. And they are revealed in the Bible, the Word of God. Go! Find the answers to your questions. And do it straight from the Word!
Paano Magsisimulang Magbasa ng Biblia
Maging tapat tayo: Alam natin na magandang ideya na basahin ang Biblia, ngunit mahirap alamin kung saan magsisimula. Sa susunod na apat na araw, malalaman natin kung bakit mahalaga ang Biblia, kung paano magsimula ng pang-araw-araw na ugali sa pagbabasa, at kung paano isasabuhay ito ngayon.