Kabataan
Ano ang Katotohanan?
Ito ba ang aking katotohanan o ang katotohanan? Ano ang mangyayari kapag magkasalungat ang dalawang iyon? Paano natin malalaman kung ang isang bagay ay totoo o hindi? Samahan kami sa susunod na pitong araw habang isinasaalang-alang natin ang ideya na ang katotohanan ay hindi isang abstraktong konsepto—ito ay isang tunay na tao. Isang taong may pangalan at mukha. Isang tao na nakikipag-ugnay, hindi nagbabago, nagbibigay ng buhay, at walang hanggang mapagmahal. Isang taong nagngangalang Jesus.
Susunod: Edisyon para sa Mag-aaral
Sa 7-araw na batayang planong ito, tuklasin sa Salita ng Diyos kung sino ang Diyos at sino ka Niya nilikha.
Ang Galit o Poot
Ang lahat ng tao ay nagagalit! Ang tamang sagot sa galit ay ang patuloy nating paglapit sa Panginoon at pagninilay sa Kanyang mga salita. Maaari mong basahin ang Reading Plan Trust kasabay ng temang Galit. Ang mga sumusunod na talata; kapag naisabuhay ay makatutulong sa iyong panghawakan ang sarili sa gitna ng galit. Hayaang ang iyong buhay ay mabago sa pagsasaulo ng mga kasulatan ng Diyos! Para sa mas kopmprehensibong pagsasaulo ng kasulatan ng Diyos, bisitahin lamang ang www.MemLok.com.
Ang Plano ng Diyos sa Iyong Buhay
Ano ba ang plano ng Diyos sa iyong buhay? Ito ang isa sa karaniwang tanong na mayroon ang mga taga-sunod ni Cristo. Ngunit, kung tayo ay magpapakatotoo, ang plano ng Diyos sa ating mga buhay ay maaaring maging napakalaki. Dito sa 6-araw na Gabay sa Biblia, matututunan natin na ang plano ng Diyos ay hindi kasing kumplikado tulad nang inaakala natin, bagkus ay higit pang mas maganda kaysa sa ating iniisip.
Pagkakaibigan
Ang Diyos ay madalas na gumgalaw sa pamamagitan ng mga tao sa ating buhay. Kaya, sino ang iyong mga kaibigan? Anong uri ka ng kaibigan sa iba? Ipapakita sa iyo ng pitong-araw na gabay na ito ang katotohanan ng pagkakaibigan at ang pagpapalang ibinibigay ng Diyos sa pamamagitan ng pagkakaibigan.
Capacity: Student Leadership
Tinawag ka ng Diyos para sa mga dakilang bagay. Hindi lamang kung ikaw ay may edad na, ngunit sa ngayon mismo. Ang planong ito ay upang hikayatin ka at ipakita sa iyo kung paano mamuno sa iyong kinalalagyan sa iyong buhay ngayon. Kayang-kaya at tunay ngang ikaw ay gagamitin ng Diyos sa mga kahanga-hangang paraan. Ang tanong ay hahayaan mo ba Siya?
Ang Tsismis
Ang mga salitang ginagamit namin ay may napakalaking kapangyarihan upang magtayo at magwasak. Ang tsismis ay lalong nakakalason. Ano kaya ang papel na ginagampanan ng mga salita sa iyong buhay - upang magdala ng buhay o upang sirain ang iba? Ang pitong araw na gabay na ito ay tutulong sa iyo na maunawaan na sinisiryoso ng Dios kung ano ang lumalabas sa ating mga bibig. Manahimik at pakinggan lamang kung ano ang sasabihin Niya. Para sa higit pang nilalaman, tingnan ang finds.life.church
Pagsasa-ayos ng Iyong Ugnayan
Lahat tayo ay nakaranas na ng salungatan sa ilang bahagi ng ating buhay. Bakit? Dahil tayo ay mga tao, at ang tao ay nagkakaroon ng kaguluhan! Ngunit, hindi natin kailangang katakutan ang salungatan. Sa totoo lamang, ang isang maayos na salungatan ay maaaring humantong sa maayos na ugnayan. Sa pamamagitan ng 5-araw na Gabay na ito, titingnan natin kung bakit ang mga salungatan ay mahalaga sa Diyos at kung paano tayong makapagsisimula nang tama sa ating ugnayan sa ibang tao.
Pang-aabuso
Walang sinuman ang narararapat na makaranas ng pang-aabuso. Mahal ka ng Dios at kaniyang ninanais na madama mong ika'y natatangi at kinakalinga. Walang anumang pagkakamali, pagkukulang, di pagkakaunawaan ang dapat na humantong sa pang-aabusong pisikal, sekswal, o emosyonal. Ang pitong araw na planong ito ay makatutulong upang pagtibayin ang iyong pang-unawa sa naisin ng Dios na katarungan, pagmamahal, at kaginhawaan para sa bawat tao.